Chapter 40 MARIKIT'S POV Napaka ganda ng panahon ng hapon na iyon, na binabaybay ko ang daan pauwi. Hindi na rin nakaka paso ang sinag ng araw dahil mababa na rin ang araw at mag isa lamang akong nag lalakad. Sa kabila ko naman na kamay, dala-dala lamang ang katamtaman na lalagyan na puno ng aking pinamili sa bayan kanina na mga gulay. Balak ko kssi mag luto ng masarap at masustansiyang ulam para mamayang hapunan kaya't ganun na lang ang aking pag kasabik na maka-uwi lamang. Payapa ang paligid at nalilibang naman talaga ako nang husto na pinapanuod ang nag tataasan na mga puno sa paligid, sabayan pa ng pag galaw ng mga dahon sa bawat pag ihip ng hangin. Ilang minuto kong binabaybay ang daan, kaagad naman napukaw na lang ang aking atensyon na makita ko na lamang ang familiar na bulto ng

