Chapter 10 LIGAYA'S POV Dapit mag aalas-singko pasado ng hapon na kami naka tapos sa pag titinda, napa-ubos ko na rin ang mga bibingka na mga tinda ko at sobrang saya ko dahil hindi ko na kailangan pang tumagal para lamang maubos lamang ang aking mga paninda dahil pinakyaw na ng ilan sa aking suki. Nag paalam na ako sa aking mga kakilala at ilan sa mga kasamahan na naroon pa rin sa kanilang mga pwesto, kailangan rin daw nilang paubusin ang kanilang mga natirang mga paninda bago nila pasyahan na umuwi. Bago dumiretso sa aming balay, bumili muna ako ng mga kailangan at sinadya ko talagang bumili ng sariwang isda na ipang dadagdag na ulam para mamaya. Hawak ko naman sa kabilang kamay ko ang basket, doon ko na rin nilagay ang mga nabili ko kanina at mag kasama kaming dalawa ni Dakila na ti

