Chapter 11 DAKILA'S POV "Bitawan mo ako sabi e——-" luhaang sigaw na lamang ni Ligaya na patuloy itong hinahatak ng hambog na lalaki. Sino nga ang lalaking ito? Makisig? Ts, napaka pangit naman ng pangalan iyan! "Bitawan mo siya." Matabang ko na lamang na salita, na kusa naman na natigilan ang lalaki sa pwersahan na pag hatak kay Ligaya. Tinukod ko ang tungkod na kahoy na hawak ko sa kanang kamay at umayos ng tindig na hinarap ito. Naging slow-motion na lamang na humarap sakanya ang hambog na lalaki, domoble ang galit sa mata nitong napipikon kong paano ako tignan na wala man lang akong naramdaman na sindak sa presinsiya nito. "Tangina, huwag kang makialam dito, kong ayaw mong lumpuhin pa kita lalo." Banta na lamang nito, na imbis na masindak ngumisi na lamang ako dito, na nang-i

