Chapter 56 LIGAYA'S POV "M-Mahal." Mahinang tinig ko na lamang na hindi inaalis ang mata sa lalaking naka tayo sa harapan ko. Sapat na napag mamasdan ko ang malapad niyang likod na makompirma kong paano nakaka kilabot ang itsura niya ngayon. Napanatag naman ang kalooban ko dahil nandiyan na siya. May tao nang mag liligtas sa akin. May tao ng kayang protektahan ako sa mga taong gustong manakit sa akin. Kabilang bahagi lang ni Dakila ang napag mamasdan ko, nakita ko ang madilim at nanlilisik niyang mata kong paano niya tignan si Bughaw ngayon. Ilang segundo kong pinag aaralan ang itsura ngayon ni Dakila na walang kibo at hindi pa rin nag babago ang expression na pinapakita at alam ko sa sarili kong hindi niya gusto kong ano man ang naabutan niya. Mariin na lang akong napa lunok ng law

