Chapter 57 DOLORES POV "D-Dakila." Iyan na lang ang nabigkas ko na tumitig sa kanyang mga matang nakaka takot. Nanalaytay kaagad ang kilabot sa katawan ko na makita lamang siya sa likod ng pintuan. Sandali, anong ginagawa niya dito? Paano siya naka pasok? Maraming katanungan ang sumagi sa isipan ko, ng sandaling iyon subalit pinakita ko na lang na maging kalmado sa harapan niya. Hindi na nag bago ang paraan ng titig sa akin ni Dakila na napaka dilim ng kanyang aura ngayon at ang mata niya'y umaapoy na sa galit na animo'y naka gawa ako ng pag kakamali. Hindi niya naman siguro alam ang ginawa ko hindi ba? Bakit ka matatakot, Dolores? Wala siyang alam na ikaw ang nasa likod ng nangyari kay Ligaya kaya't huwag kang kabahan sakanya. Huwag kang matakot sakanya. Sigaw naman ng isipan k

