Chapter 58 DAKILA'S POV Nagising na lang siya sa dumapong liwanag sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at bahagyang uminggos sa pag kakahiga, at doon niya nakita na napaka taas na ng sinag ng araw. Napaka sarap at sariwang hangin ang pumapasok sa silid, na tinatanggay pa ang kurtina sa bawat pag ihip no'n. Umupo na lang siya sa papag at doon niya napag tanto na mag isa lang siya sa silid. Wala na siyang pinalampas pang pag kakataon, bumangon at nag lakad na palabas ng kwarto. "Mahal." Tawag niya na lamang na hinawi niya ang kurtina na nag mimistulang pintuan ng kanilang silid, bumunggad na lang sakanya ang napaka tahimik na kanilang balay. At wala siyang makitang anumang bakas ng kanyang asawa niya sa loob. Asan kaya siya? Naging seryoso na lang ang kanyang m

