Chapter 36 LIGAYA'S POV Mag-isang binabaybay ko ang daan pauwi sa aming balay. Kay ganda nang hapon na iyon at hindi pa naman gaanong nakaka paso ang sinag ng araw dahil pasado kwarto pa lang nang hapon iyon, kay sariwa rin ng simo'y ng hangin at makikita mo kaagad ang mga abalang mga tao na aking makaka salubong. Simpleng off-shoulder na bulaklakan ang suot ko sa pang itaas, samantala naman ang pang ibaba ang preskong mahabang palda na may maliliit na mga burda iyon na lumilitaw ang mala nyebe kong kutis sa aking suot.. Naka lugay lamang ang mahaba kong buhok, at lumilitaw ang natural na pamumula ng aking pisngi at labi. Sa isa kong kamay hawak naman ang katamtaman na basket, laman ng mga sariwang prutas na aking naani sa aming munting lupain ni Tiya at sabik na akong maka uwi dahil m

