Chapter 37 LIGAYA'S POV Tahimik kong binabaybay ang daan papunta sa aming munting lupain, sa kabila ko naman na kamay bitbit ang basket laman ng pag kain na aking inihanda para sa aming magiging tanghalian para mamaya. Dapit alas dyes pa lang nang umaga, at napaka ganda ng panahon. Kulay asul naman ang langit at napa tinggala na lamang ako na pinapanuod ang nag sisiliparan na mga ibon sa kalangitan. Bahagyang napa pikit na lang ako ng mata na, masilaw na lang ako sa sinag ng araw at tinaas ko na lamang ang kaliwang kamay, para hindi gaanong dumirekta sa aking mata ang init. Nag patuloy na lamang ako sa pag lalakad, na binabaybay ang mabato at madamong daan. Napaka tahimik ng paligid na wala kanang maririnig o makikitang ibang tao na aking makaka salubong sa daan. Tanging huni ng ibon

