Chapter 48 DOLORES POV Dapit alas nuwebe pa lang ng umaga bihis na bihis na ako. Mag kadikit lamang ang palad kong tinatahak ang daan sa isang pribado at kahit na sino napaka-hirap pasukin. Wala man lang ka amor-amor ang aking mukha habang nag lalakad, naging matabang at walang bahid na anumang emosyon lamang iyon na pinapasadahan ko ng tingin ang bawat madaanan ko na mga tauhan. Naka sunod naman si Bughaw sa aking likuran at sinisiguro talaga nitong walang sino man ang mag tatangkang manakit sa akin. Lumingon ako sa kaliwa't-kanan ko na habang pumapasok kami sa pribado na lupain parami nang parami ang nakikita kong naka bantay na mga tauhan. Naka posisyon silang naka hilera na naka bantay na bawat sulok at kanto, mukha nila ang iyong makikita. Nakaka takot ang kanilang mga itsura na k

