Chapter 49 LIGAYA'S POV Dapit ala una pa lang pasado ng hapon mag kasama na kami ni Dakila binabaybay ang mabato at madamong daan. Matapos naming kumain ng tanghalian at nag gayak na kaming umalis sa aming balay para maka alis na. Ginala ko na lang ang aking tingin sa paligid pinapanuod ang madaanan namin na nag eenjoy naman ako ng lubusan dahil sa magandang tanawin na aking napag mamasdan. Tangi ko na lamang nakikita ang matataas na mga dahon at mga mayayabong na kakakuyan sa paligid, kaya't hindi direkta na tumatama ang sinag ng araw sa aming balat. Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking tinatahak namin ang daan mag kasama. Naroon na lang ang saya sa aking dibdib lalo't mamasyal kaming dalawa ni Dakila ngayon at susulitin namin ang oras na kaming dalawa lang mag kasama. Hind

