Chapter 50 LIGAYA'S POV "Binibining Dolores." Iyan na lang ang aking nasambit na pinakita nito ang matamis na ngiti sa labi. Siya? Anong ginagawa niya dito? Tanong ko na lang sa aking isipan, na kahit na rin ako nag taka nang husto na siya ang bubungad sa akin ngayon. Nakaka panibago na siya mismo ang pupunta sa balay namin. Lihim ko na lang na inobserbahan si Dolores na ngayo'y naka tayo sa harapan ko at simpleng kasuotan ang suot nito subalit makikita mo talaga ang kagandahan ng kalidad ng tela na mukhang mamahalin. Maayos at bagsak na bagsak ang maitim at mahaba nitong buhok na napaka ganda naman kong titignan. Napako naman ang pag obserba ko sa mukha ni Dolores na nag ayos naman ito ng konti sa sarili subalit, lumilitaw talaga ang natural na kagandahan nito. Natigil na lang ako

