Chapter 42

3516 Words

Chapter 42 LIGAYA'S POV Mag kasalo kaming dalawa ni Dakila na kumakain nang almusal sa hapag-kainan. Naka lapag na sa lamesa ang niluto kong prinitong itlog at nilabas ko rin ang tira naming ulam kagabi. Naamo'y ko rin ang mabangong aroma ng kape na mag pakalam pa lalo ng gutom sa akin. Mabagal lamang ang paraan ng pag subo ko ng pag kain at hindi ko maiwasan na pasimpleng sulyapan ng tingin si Dakila. Napaka seryoso ng kanyang mukha habang kumakain at kanina pa itong walang kibo simula no'ng maupo siya sa harapan ko. Medyo basa-basa pa ang kanyang buhok, na kaliligo lamang subalit bagay naman sakanya ang medyo wet look na itsura. Simple lamang ang suot niyang t-shirt na damit at pang ibaba naman na kasuotan, ay ang pantalon na maong na handang-handa na siya sa pag pasok sa trabaho.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD