PAGKARATING ni Phoenix sa malaking bahay ay hindi rin nagtagal at dumating din si Damon habang nasa living room siya. Nagtatakang tiningnan niya ang binata dahil sa kakaibang saya ang nakikita niya sa mukha nito at bakas din doon ang excitement sa hindi niya malamang dahilan. Naglakad ito palapit sa kanya at hindi siya nakaiwas nang mabilis siya nitong nakawan ng halik sa labi bago ito umakyat sa hagdan para magtungo sa silid nito. Napailing na lang siya habang nakasunod ang mga mata kay Damon hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Ilang minuto ang lumipas at bumaba rin agad si Damon matapos nitong magpalit ng kasuotan. Umupo ito sa tabi niya at napasimangot siya nang maramdaman ang mabigat nitong braso sa kanyang balikat nang akbayan siya nito. Sobrang dikit din ng binata sa katawan ni