HINDI maiwasan ni Phoenix ang pagkumparahin ang dating siya at ang ngayong siya habang nakaharap sa malaking salamin sa loob ng kanyang kuwarto sa malaking bahay. Kapansin-pansin agad ang mga nagbago sa kanya, mula sa kanyang porma na dati ay maihahalintulad niya sa isang lalaki pero ngayon ay babaeng-babae na, dalagang-dalaga na ang kanyang pustura at maging ang mga kilos niya. Nawala na rin ang pagkahilig niya sa pagsusuot ng sombrero na dati ay hindi puwedeng mawala kapag lalabas siya sa bahay at madalang na rin siyang magsuot ng shorts na hanggang tuhod at malalaking t-shirts, madalas ay bestida na ang sinusuot niya. Unti-unti ay nagbago siya at gusto niya lahat ng naging pagbabago sa kanya. Wala namang pumilit sa kanyang baguhin ang sarili niya, iyon ang mahalaga. Nagbago siya dahil