"WAKE up, baby. May bisita kang naghihintay sa living room," boses ni Damon dahilan para maalimpungatan si Phoenix isang umaga. Pinaliguan din nito ng halik ang kanyang buong mukha dahilan para tuluyang magising ang kanyang diwa. Wala siyang nagawa kundi imulat ang kanyang mga mata kahit na gusto pa niyang matulog at nasilayan niya ang guwapong mukha ng kanyang asawa. Malawak ang ngiti nito habang nasa ibabaw niya at nakatukod ang mga braso nito sa kama para hindi niya masyadong maramdaman ang bigat ng katawan nito. "Magandang umaga sa maganda at sexy kong asawa..." nakangiting bati nito at mabilis pa siyang pinatakan ng halik sa labi. Inikutan niya ito ng mata dahil sa sinabi nito na mahina nitong ikinatawa. "Istorbo ka naman, eh. Anong oras na ba at binulabog mo ang tulog ko," nakasima