MALAKAS ang kabog ng dibdib at hindi mapakali si Phoenix habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test na binili ni Damon. Hindi siya nito napilit na pumunta sa ospital kaya pregnancy test na lang ang binili nito, maraming pregnancy test. Binili na yata nito ang lahat ng pregnancy test sa tindahan dahil isang sando plastic bag na puno ng pregnancy test ang dala nito pauwi. Gusto lahat nitong ipagamit iyon sa kanya pero kumuha lang siya ng tatlong piraso bago siya mabilis na pumasok sa bathroom at pinagsaraduhan ito ng pinto. "Open this f*****g door, munting babae! Bakit ang tagal mo riyan sa loob? Tapos ka na ba? Anong resulta? Positive ba? Magiging ama na ba ako?" malakas na wika ni Damon sa labas habang sunod-sunod na kumakatok sa pinto. Hindi na lang niya ito pinansin at muli niyang