NAALIMPUNGATAN si Damon buhat sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman niyang gumalaw si Phoenix sa tabi niya. Inaantok na nagmulat siya ng mga mata nang maramdamang kinakalas nito ang braso niyang nakapulupot sa bewang nito. Pero bago pa ito tuluyang makawala sa mga bisig niya ay hinapit niya ang katawan nito at muli itong mahigpit na niyakap. "Bakit gising ka na, munting babae? Saan mo planong pumunta?" paos ang boses na tanong ni Damon habang nakasiksik ang mukha sa leeg ng kanyang asawa. "Pupunta sana ako sa kusina. Nagugutom ako," sagot ni Phoenix na mahina niyang ikinatawa. Mula nang magdalang-tao ito ay madalas itong gumising sa kalagitnaan ng gabi para kumain. Mabuti na lang at hindi kung ano-ano ang hinihingi nitong pagkain sa kanya kaya mabilis niya 'yong naibibigay sa kan