NAKAHINGA nang maluwag si Damon nang makita si Phoenix na mahimbing na natutulog sa attic. Kararating lang niya galing sa trabaho at hinanap niya kaagad ang asawa pero hindi niya ito nakita sa living room, sa kusina, sa dating kuwarto nito at kahit sa kuwarto nila kaya nagtungo siya sa attic at doon niya nakita ang mahimbing na natutulog na asawa. Nakatulog ito habang nanonood ng tv na hindi na nito nagawang -i-off na ikinailing niya habang may ngiti sa labi. Lumapit siya sa kamang hinihigaan ni Phoenix at umupo roon. Kinuha niya ang remote na nasa tabi nito at ini-off ang tv. Inalis niya ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha nito bago niya marahang hinaplos ang pisngi ng kanyang asawa. Bumaba ang ulo niya para halikan ito sa noo at ninakawan niya rin ito ng halik sa labi at mahina siyan