"KAILANGAN ba talaga iyon, munting babae? Mag-asawa na naman tayo pero bakit kailangan pa nating sumunod sa pamahiin na 'yan?" nakasimangot na reklamo ni Damon na mahinang ikinatawa ni Phoenix. "Ang sabi naman sa pamahiin ay bawal magkita ang bride at groom sa mismong araw ng kasal, lalo na ilang oras bago ang seremonya pero bakit kailangan pang maghiwalay tayo ngayong gabi? Puwede namang bukas ng umaga na lang ilang oras bago ang kasal natin," pagpapatuloy nito habang nakabusangot ang mukha na parang batang inagawan ng candy. "Sumunod ka na lang sa mga sinasabi nila. Isang gabi lang naman tayong maghihiwalay kaya huwag ka nang magreklamo riyan. Wala rin namang magagawa kahit na magreklamo ka nang magreklamo dahil ang masusunod pa rin naman ay ang gusto ng mga magulang mo," natatawang w