MABILIS na lumipas ang mga araw at parehong naging abala si Damon at Phoenix. Nagsimula nang pamahalaan ng binata ang negosyo ng pamilya nito sa San Antonio habang abala naman si Phoenix sa school dahil nagsimula na rin ang pasukan at huling taon na niya iyon sa high school. Naging normal lang ang mga araw sa kanilang dalawa at minsan na lang siya kulitin ni Damon dahil sobrang abala nito sa trabaho. Tuwing umaga na lang din sila madalas magkita at matagal na magkasama sa tuwing sabay-sabay silang kumakain ng almusal. Madalas din ay gabi na itong umuuwi kaya halos hindi nagtatagpo ang landas nila ni Damon. At hindi niya itatanggi na nami-miss na niya ang kakulitan nito at ang laging pagdikit at pagsunod nito sa kanya na madalas nitong ginagawa noon. Tila biglang nagbago ang pakikitungo sa