Chapter 33

2278 Words

KIPKIP ni Phoenix ang kumot sa dibdib para takpan ang kanyang kahubdan habang impit na umiiyak nang magising siya kinabukasan. Puno ng pagsisisi at pagkamuhi siyang nakatingin kay Marco na mahimbing pang natutulog sa kanyang tabi na wala ring saplot tulad niya. Nagsisisi siya dahil sobra siyang nagtiwala rito at galit dahil sa ginawa nito sa kanya. At hindi niya akalain na magagawa iyon sa kanya ni Marco na kanyang kababata at matalik na kaibigan na halos itinuring na niyang kapatid. Sana pala ay naniwala at nakinig siya noon kay Damon. Sana pala ay hindi siya masyadong nagtiwala kay Marco na hindi siya nito gagawan ng masama. Alam niyang may nararamdaman pa rin ito sa kanya pero hindi niya lubos akalain na aabot sa puntong pagsasamantalahan siya nito para sirain silang dalawa ni Damon. H

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD