"NANDITO ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap para ako na ang maghatid sa 'yo pauwi," wika ni Marco kay Phoenix nang makita siya nitong nag-aabang ng sasakyan sa labas ng gate ng school. Ilang araw na ang mabilis na lumipas buhat noong umalis si Damon kasama ang Dad nito para dumalo sa isang business conference kaya walang naghahatid-sundo ngayon sa kanya. "Salamat pero maghihintay na lang ako ng tricycle, Marco. Baka makaabala pa ako sa 'yo," pagtanggi niya sa alok ng kaibigan. Bumaba pa ito ng sasakyan at tinabihan siya sa gilid ng kalsada kung saan siya naghihintay na may dumaang tricycle. "Huwag nang makulit, Nix. Come on, ihahatid na kita," patuloy na pangungulit nito na ikinahinga niya nang malalim. Wala na siyang nagawa kundi ang sumakay sa sasakyan nito para magpahatid pauwi sa