"HUWAG na lang kaya akong pumunta. Ayaw kong malayo sa 'yo nang matagal... hindi ko kaya, munting babae," nakangusong wika ni Damon habang nakayakap siya kay Phoenix buhat sa likod nito. Pareho silang nakaupo sa kama habang nakaharap sa tv. Nakasiksik ang kanyang mukha sa leeg ni Phoenix at hinahalik-halikan iyon. Kasalukuyan silang nasa attic at doon nagpapalipas ng oras. "Hindi puwede, Damon. Kailangan ka ng Dad mo roon. At isa pa ay ilang araw lang naman tayong maghihiwalay kaya huwag kang masyadong overacting diyan. Mabilis lang naman lumipas ang araw, " wika ni Phoenix na lalong ikinasimangot ni Damon. May dadaluhan sila ng Dad niyang isang business conference at ilang araw sila roon. Bukas na rin ang alis nila. "Ilang araw lang pero para sa akin ay sobrang tagal na no'n. Isama na