NAPAPAILING at napapangiti si Phoenix habang pinanonood si Damon na nilalaro ang kapatid niyang nasa mga bisig nito. Namamayani ang halakhak nito at hagikhik ng kapatid niya sa kanilang munting bakuran kung saan sila kasalukuyang nagpapahangin. Wala siyang pasok sa school kaya napagdesisyunan niyang bisitahin ang kanyang ama at sumama sa kanya si Damon na hindi pumasok sa trabaho para lang samahan siya. At kanina pang nasa mga bisig nito ang kapatid niya na parang ayaw na nitong bitawan, tuwang-tuwa ito sa bata. "Wala pa ba sa plano ninyo ni Damon ang magkaroon ng anak? Napapansin ko kasi na sa tuwing narito kayo ng asawa mo ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang buhatin at laruin ang kapatid mo. Napakahilig niya sa bata," wika ng kanyang ama na nakaupo sa tabi niya at tulad niya ay na