"DAMON..." tanging salitang namutawi sa labi ni Phoenix dahil sa kabang nararamdaman. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya at hindi niya maiwasan ang hindi matakot kay Damon dahil hindi siya sanay na makitang ganoon ito. Para siyang kakainin nito ng buhay kung tingnan siya sa mga oras na iyon ni Damon. "In. My. Room. Now!" mariin at medyo may kalakasang wika ni Damon na mariin niyang ikinapikit. Nakagat ni Phoenix ang nangangatal niyang labi at kahit tila bibigay na ang nanghihina niyang tuhod dahil sa nararamdamang pinaghalong takot at kaba ay humakbang siya papasok sa bahay at tinahak ang daan patungo sa kuwarto nito. Alam niyang nakasunod sa kanya si Damon dahil ramdam niya ang presensya nito sa likod niya. Ramdam niya rin ang titig nito dahilan para magtayuan ang balahibo niya sa b