"CONGRATULATIONS, baby!" malawak ang ngiting wika ni Damon bago mahigpit na niyakap si Phoenix. Mabilis niya rin itong ninakawan ng halik sa labi kaya sinamaan siya nito ng tingin. Tumingin ito sa paligid nila at tila nakahinga ito nang maluwag nang makitang walang nakapansin sa ginawa niyang paghalik dito. Muli siya nitong tiningnan nang masama pero kinindatan niya lang ang dalaga at malawak na nginitian. Kasalukuyan siyang nasa school na pinapasukan ni Phoenix para dumalo ng graduation ng dalaga. Iniwan niya ang kanyang trabaho para puntahan si Phoenix kahit na marami siyang ginagawa, babalikan na lang niya ang ginagawa mamaya. Hindi niya puwedeng palampasin ang mga mahahalagang araw para sa babaeng mahal niya. Gusto niya ay lagi siyang kasama ni Phoenix sa mga masasaya at mahahalagang