MAAGANG bumangon si Phoenix kahit na wala siyang pasok sa school dahil plano niyang puntahan ang kanyang ama. Balak niyang sorpresahin ang kanyang Itay dahil kaarawan nito ngayon. Nagkataong wala siyang pasok sa school at day off din niya kaya buong araw niyang makakasama ang kanyang ama sa espesyal na araw nito. Sadyang hindi siya umuwi kahapon kahit na dapat ay sa kanilang bahay na siya tutuloy pagkagaling niya sa school dahil nga day off niya kinabukasan. Hindi rin niya binabanggit sa kanyang ama ang tungkol sa kaarawan nito para isipin nitong nakalimutan na niya ang tungkol doon. Paglabas niya sa kanyang silid ay agad siyang nagtungo sa silid ni Damon para gisingin ang binata kahit day off niya. Napahinga na lang siya nang malalim nang makita ang magulo nitong kama. Hanggang ngayon ay