APEKTADO pa rin si Dylan sa pagkawala ni Clint. Nagkasunod na sila noon ni Mang Alfred na aampunin niya si Clint pero hindi niya maintindihan bakit kaagad sumuko ang bata. Alam niya mas masakit kaysa nararamdaman niya ang pakiramdam ng tunay na ama na namatayan ng anak, pero hindi ibang bata sa kanya si Clint. Napapasaya siya nito sa tuwing kinukulit siya sa hardin. Tulala siya habang nakaluklok siya sa stool chair at nakaharap sa stainless na lamesa kung saan inilalatag ang mga specimen doon sa laboratory. Hindi pa bumabalik si Alessandro magmula no’ng nagpaalam na kakain. Naramdaman niyang bumukas ang pinto. Hindi na siya nag-abalang tingnan kung sino ang pumasok dahil ramdam niya ang pamilyar na aura nito. “Ahm, Dylan, hindi ka ba kakain? Nakapagluto na ako ng hapunan,” sabi ni Char