TATLONG araw na hindi nakikita ni Charmaine sa academy si Dylan. Busy raw ang binata sa trabaho nito sa labas ng academy. Inabisohan naman siya nito na hindi sila magkikita nang ilang araw. Nang araw ng Linggo ay hindi siya nag-duty sa food center. Hiniling talaga niya na day off ang araw ng Linggo. Tumambay siya sa laboratory at nangungulit kay Alessandro. Pinipilit niya ito na gawin muli ang memory enhancing sa kanya. Curious kasi siya sa ginagawa nito. Hindi siya naniniwala na kayang ibalik ng system nito ang nabura niyang alaala. “I’m sorry, nakapag-usap na kami ni Dylan na huwag nang gawin ang pag-restore sa memory mo,” sabi nito. “Bakit siya ang pinaniwalaan mo? Hindi naman niya hawak ang desisyon ko. Kung totoong kayang mag-restore ng memory ang system mo, subukan mo sa akin. Gust