EXCITED si Charmaine na maibigay kay Dylan ang niluto niyang tanghalian. Roast tenderloin beef with rosemary ang niluto niya, vegetable salad at mashed potato. Pero lumipas na ang oras ng tanghalian ay hindi niya nakitang pumasok ng food center ang binata. Wala rin ito sa clinic at sa laboratory. Natapos na ang duty niya at nakatulog na siya sa clinic pero wala pa ang hinihintay niya. Inilagay niya sa refrigerator ang nilutong pagkain at ibinilin kay Serron. Pagbalik niya sa food center ay si Zae na ang naroon. Pumasok siya sa loob ng counter na matamlay. “O, bakit parang lantang gulay ka na naman?” puna nito, habang nagsusulat ito sa logbook. Umupo siya sa silya katabi nito. “Hindi pa ba nagawi rito si Dylan?” malumanay niyang tanong. “Hindi pa. Dinig ko nasa Mactan daw siya, sa safe h