Chapter 3

2555 Words
PAGKATAPOS ng physical therapy ni Charmaine ay dinamdam niya ang hilab ng kanyang sikmura. Sinamahan naman siya ni Rhomz sa food center at kumain. Mabuti na lang ordinaryong tao lang si Rhomz. Matagal din pala itong nagtrabaho sa ospital bago napunta roon. Seven days daw deretso ang therapy session nila at sa tuwing umaga lang. Regular din daw ang check-up niya kay Dr. Lee. Patuloy pa rin nitong ma-monitor ang puso niya. Pagkatapos kumain ay sinamahan naman siya ni Rhomz sa paglibot sa buong academy. May mga area lang na restricted at tanging mga opisyales lang ang makapapasok. Dinala siya nito sa patahian ng mga damit. Hindi pa raw siya makakukuha ng gusto niyang damit dahil hindi pa siya rehistradong miyembro o empleyado ng academy. Inamin ni Rhomz na hindi madaling maipasok ang profile niya sa system ng academy dahil blanko ang memory niya. Kailangan kasing maipasok sa system ang profile niya kasama ang kanyang memory. “Bakit kailangan pa ng gano’n?” tanong niya, habang tumitingin sila ng mga naka-hanger na damit. “For security purpose. Kahit mga estudiyante ay naka-program ang identity sa system. Lahat ng kilos nila ay namo-monitor sa loob ng academy. Sa pamamagitan ng memory scan, malalaman ang back story ng isang miyembro. Doon makikita kung mayroon itong record na maaring makaapekto sa management. Hindi tinatanggap ng system ang blank memory o kaya’y mayroong problema katulad nang sa kaso mo. Kapag hindi ka natanggap, hinid mo maa-access lahat ng benefits meron ang academy. Mapapahintulutan kang magtrabaho rito pero limited area lang ang magagalawan mo. Kailangan rin may kasama kang authorized person sa pagpasok sa mga private facilities katulad ng kitchen at laboratory,” paliwanag nito. “Ang higpit naman nila. Paano kung gusto kong lumabas?” “Hindi ka allowed lumabas mag-isa. Walang ordinaryong tao na pinapayagang makalabas dito sa academy, unless kung may kasamang hybrid o bampira. Nakapupunta kami sa ibang lugar sakay ng chopper or aircraft at yate. Malayo tayo sa siyudad.” “Wala bang bintana na puwedeng makita ang labas?” “Kailangan mo pang pumunta sa fifth floor, sa rooftop, mayroong garden doon pero nababalot ng makapal na salamin. May mga bintana sa mga kuwartong nasa gilid ng gusali pero palaging sarado. Hindi kasi puwedeng makapasok ang sikat ng araw dahil masusunog ang mga bampira. Ang kuwarto natin ay nasa bandang gitna kaya walang bintana na maaring makita ang labas. May mga underground facilities din tayo rito. May farm area din at puwede tayong magtanim doon. Doon nagtatanim ang mga tao ng palay, mga prutas at mga gulay.” “Ang husay ng ideya. Parang bagong mundo rin pala ito.” “Tama ka. Bago lang ako rito pero mabilis kong nakabisado ang lugar. Noong una, naho-home sick ako. Hindi ko pa kasi alam na marami rin palang magagandang facility rito. At hindi ka maiinip kasi marami ring tao at mga bagong kaibigan. At higit sa lahat, maraming guwapo.” “Mga bampira naman,” aniya. “So anong problema sa mga bampira? Hindi naman sila literal na masasama. Parang tao din sila, lalo na ang mga hybrid.” Hindi niya maintindihan bakit mabigat ang loob niya sa mga bampira. “I’m not sure but I feel uncomfortable vampires. Sounds creepy.” “May amnesia ka kasi kaya mo nasasabi ‘yan. Ilang taon nang nasasakop ng masasamang bampira ang bansa natin. Mabuti nga may sangre organization na tumutulong sa atin. Kung wala sila, malamang ubos na ang mga tao.” Hindi na lamang siya nagsalita. May nakita siyang mga underwear. Naalala niya na dalawang pares lang ang underwear niya. “Puwede ba akong kumuha ng underwear?” tanong niya kay Rhomz. “Hindi pa sa ngayon. Kailangan ng finger print mo bilang pirma bago makuha ang item na gusto mo. Kapag hindi ka registered, hindi ka bibigyan.” “Paano ‘yan, dalawa lang ang underwear ko?” “Akala ko naman nag-request si Dr. Lee ng underwear mo.” “Ha? Bakit siya?” “Pasyente ka niya. Siya ang masusunod kung ano ang gagawin sa ‘yo. Imagine, almost one month kang walang underwear habang natutulog. Hindi naman siya nag-uutos sa amin na bihisan ka. Hospital gown lang ang pinasuot niya sa ‘yo.” “Ibig sabihin siya lang ang nagbibihis sa akin?” windang niyang wika. “Ahm, hindi ka naman niya dinamitan magmula noong na-operahan ka. Saka ka lang niya sinuotan ng hospital gown noong gumaling ang sugat mo.” “s**t! Nakahihiya,” kinikilabutang sabi niya. “Ano ka ba? Normal na kay Dr. Lee ang humawak ng katawan. Maselan ang trabaho niya. Binalot ng benda ang ibang bahagi ng katawan mo dahil maraming galos at injury. Si Charie palagi ang assistant niya. Mas maraming alam si Charie kung paano ka inalagaan ni Dr. Leen. You should talk to her if you want more details.” “May duty ba siya mamaya?” “Oo, mga alas-tres ng hapon. Minsan nasa laboratory siya.” “Sige. Pero kailangan ko talaga ng ekstrang underwear. Saan ba ako puwedeng maglaba?” “Mayroon tayong laundry room. Mabilis lang naman, paglabas ng damit mo sa machine ay puwede mo nang isuot. Magtiyaga ka muna sa dalawang underwear, wash and wear.” “Ha? Hindi ba puwedeng ikaw ang kumuha para sa akin?” “Pasensiya na, umabot na ako sa kota. May limit kasi ang pagkuha ng damit dito. Next year na ulit ako allowed kumuha. May underwear pa naman akong hindi naisusuot, sa ‘yo na lang.” “Talaga? Sige. Gusto ko na kasing maligo.” “Ops, hindi ka pa puwedeng maligo. Bukas ka na ng umaga maligo. Kailangan mong ipahinga ang katawan mo. Dapat paggising mo bukas ng umaga ay maligo ka na at mag-almusal bago natin simulan ang therapy.” “Okay.” Pagkuwan ay nagtungo sila sa kuwarto ni Rhomz. May kasama ito sa kuwarto. Mas maluwag iyon kumpara sa kuwartong pinagamit sa kanya. “Sino’ng kasama mo rito?” tanong niya. “Si Zae, na dating pulis. Palagi siyang nasa labas kasama ng ibang hybrid.” “Mabuti pa siya nakalalabas,” aniya. “Hindi rin madali ang trabaho sa labas. Nakapapagod.” “Pero at lease nakalalanghap siya ng sariwang hangin.” “Polluted na ang hangin sa labas dahil sa mga halimaw na infected ng virus. May mga area na sariwa ang hangin pero malayo na.” Ibinigay sa kanya ni Rhomz ang nakasupot pang underwear nito. “Thanks. Puwede mo ba akong samahan sa laundry room?” aniya pagkuwan. “Sure, pero hindi ako magtatagal. May gagawin pa kasi ako sa clinic.” Tumango siya. Lumipat naman sila sa kanyang kuwarto. Nagpalit siya ng damit para malabhan ang naisuot na niya. Manipis na na pulang pajama ang suot niya at puting blouse. “Ang badoy ng suot ko. Para akong kakalaya na preso,” aniya. Tumawa si Rhomz. “Oo, isang magandang preso at ang kaso ay pagnanakaw ng underwear,” sabi nito. Hindi niya napigil ang kanyang tawa. Dumeretso na sila sa laundry room malapit lang sa lodge ng mga babae. Iniwan na siya roon ni Rhomz, matapos siyang turuan sa paggamit ng laundry machine na mas malaki pa sa kanya. Ipinasok lang niya sa malaking salaming bilog na bunganga ng machine ang labahin niya saka hinayaang labahan ng machine. Umupo siya sa bench sa tapat nito at naghintay. Mas komportable na siya kaysa kahapon. Nagkakaroon na siya ng mga kaibigan. Pagkatapos maglaba ay dumeretso sa clinic si Charmaine. Naroon na si Charie pero hindi pa ito naka-duty. “Sorry nakalimutan kong sabihin sa ‘yo na hindi ka pa pala puwedeng magtrabaho. Fault ko iyon,” sabi sa kanya ni Charie, habang palabas sila ng clinic. “Okay lang,” sabi niya. “Pinagalitan ka ba ni Dr. Lee?” “Ahm, I’m not sure kung galit na siya sa lagay na iyon. Pinagsabihan lang niya ako.” “Mabait naman siya, huwag kang mag-alala. Huwag ka lang pasaway. Sundin mo lahat ng payo niya.” “Paano kung ayaw ko siyang sundin?” Natawa si Charie. “Mag-aaway kayo palagi kapag gano’n. Maalaga sa pasyente si Dr. Lee, pero kung matigas ang ulo mo, makaririnig ka ng masasakit na salita.” “Talaga? Ano usually ang sinasabi niya kapag nagagalit?” curious na tanong niya. Tumawa ulit si Charie. “I think you should try to talk to him always, nang maranasan mong masinghalan.” “He can’t do that to me.” “How sure are you? He’s not a typical man you think. He’s gentle but fierce.” “Saan ba tayo pupunta?” pagkuwan ay tanong niya. “Kailangan kitang dalhin sa laboratory one para sa memory scan mo.” “Pero blanko ang memory ko. Ano’ng makikita nila?” “Ang system na ang bahala roon. Come in,” sabi nito at pinauna siyang pumasok sa laboratory. Pagpasok nila’y namataan niya si Dr. Lee na may kausap na guwapong lalaki na amy suot na puting coat. Nakaharap ang mga ito sa malaking touch screen monitor. “Maupo ka rito, Charmaine. Hintayin mo lang si Dr. Clynes,” sabi ni Charie. Umupo naman siya sa swivel chair na nasa tapat ng maliit na monitor na may nakakonekta na mga aparato. Pagkuwan ay iniwan siya ni Charie. Pinagmamasdan niya ang dalawang lalaki. Nakatutok ang paningin at isip niya kay Dr. Lee na seryosong nakatitig sa monitor. Habang matagal siyang nakakatitig sa batang doktor ay nakararamdam siya ng hindi maipaliwanag na t***k ng kanyang puso. Hindi niya alam kung paano papakalmahin ang tulin ng t***k niyon. Parang kinalabit at biglang nabaling sa kanya ang tingin ni Dr. Lee. Biglang sumikdo ang puso niya, ikinagulat niya iyon. What’s the wrong heart? Are you still mine? Bakit ganyan ka ka-sensitive? Naisaloob niya. Hindi niya ibinaling sa iba ang paningin. Hinayaan niya’ng maunang magsawa sa kakatitig si Dr. Lee. Mamaya ay nabaling na rin sa kanya ang tingin ng kasama nito. Ito siguro si Dr. Clynes. Humakbang na ito palapit sa kanya. “Hi! How are you?” kaswal na tanong ni Dr. Clynes. “I’m fine, Doc,” tugon niya. “We will do the memory scan and later, the body scan. We need this for your data,” sabi nito. Isinuot nito sa ulo niya ang computerize helmet na nakakonekta sa monitor. Pagkuwan ay nagpipindot na ito sa touch screen na monitor. Nakita niya sa monitor ang kanyang utak. May naglalabasang litra at kung anu-ano at lumabas ang note na ‘copying’. Mabagal ang takbo ng percentage ng pagkopya ng memory niya. “Please don’t talk and avoid moving until the data will complete,” sabi nito saka siya iniwan. Nakatitig lang siya sa monitor at hindi gumagalaw. SINIPAT ni Dylan si Charmaine. Clueless pa rin siya sa buhay nito bago napunta sa kanila. Pagbalik ni Alessandro ay binuksan nito sa main monitor ang ginagawa nitong personal data ni Charmaine. “Her memory was still empty. The present is on progress,” sabi ni Alessandro. “Pero may panaginip siya na maaring konektado sa nakaraan niya,” aniya. “Yes, that’s possible, but sometimes a dream is just part of the hallucination, it’s not real.” “In paranormal, a dream has the superstitious meaning which is sometimes it happens in real life. “A kind of premonition. I don’t believe in supernaturals.” “Me too, but I’m still curious.” “What about that girl? Parang may double meaning ang pag-aalaga mo sa kanya.” “I just did my job.” “Let’s find out. Makikita ko rin ang past niya in advanced technology. Take a look.” Tumingin siya sa monitor. Pumasok na sa system ang memory ni Charmaine. Nai-convert iyon ni Alessandro sa mas malinaw na kopya. May nakikitang malabong mga eksena sa memory ni Charmaine. “Her memory started to recall the past. Magsisimula siyang mag-recall during her birth hanggang sa tumubo ang isip niya. Matatagalan ito dahil sobrang bagal ng pag-calculate ng system due to her amnesia. Kailangan ng regular session para mapabilis ang pagbalik ng alaala niya. Kailangan nating mag-insert ng mga bagay-bagay sa memory niya para makatulong sa pag-recall.” “Ano’ng bagay?” “Mga bagay na nauso noong nagsimulang tumubo ang isip niya. Puwede ring music, cliche scenes and words. No choice tayo, wala siyang relatives na makatutulong sa kanya para makaalala.” “Huwag na nating puwersahin kung hindi kaya,” aniya. “Sumusuporta ka ba o tumututol sa ginagawa ko? She’s your patient. Naaawa lang ako sa kanya kaya ko ito ginagawa. Hindi madaling mawalan ng memorya. It can cause depression to the patient.” Sinipat niyang muli si Charmaine. Nagtatalo ang dalawang bahagi ng pagkatao niya. Ang isa ay tumututol, habang ang kabila ay naghahangad na maibalik ang memorya ng dalaga. “Maybe it takes a month, but I had seen the perfection. Araw-araw ko isasagawa ang memory scan kay Charmaine to monitor the progress of her memory. Magpapatuloy pa rin naman ang pag-recall ng memory niya sa system. Every session ay papasok sa memory niya ang progress,” sabi ni Alessandro. “I think we’re wasting time,” aniya. “I found you anxious, Dylan. I think you’re obsessed with something. Hindi kita maintindihan. Noong nasa coma pa si Charmaine, tudo asikaso ka. Let me guess what inside your head.” “Don’t mind me. I’m not interested in that. I have to go. I-update mo na lang ako sa record niya. May dadalawin lang akong pasyente sa safe house,” sabi niya saka lumakad. Dumaan lang siya sa likod ni Charmaine, na nakatutok sa monitor. Paglabas niya ng laboratory ay nasalubong niya ang kapatid niyang si Jensen. Papasok sana ito sa laboratory. Naalarma siya. Hindi siya sigurado pero baka naalala pa nito si Charmaine. Palagi itong nakabuntot sa kanila ni Charmaine sa tuwing namamasyal. “Where you going?” tanong niya sa kapatid. “Sa loob. May itatanong lang ako kay Kuya Sandro regarding sa assignment ko,” sabi nito. “Ano’ng assignment?” “About genetic. Hindi mo alam ‘yon.” “Ako ang sasagot,” aniya. Ngumisi si Jensen. Mukhang walang tiwala sa kakayahan niya. “Kapag hindi mo nasagot, lagot ka sa akin,” sabi nito. Inakbayan niya ito saka sila naglakad patungong food center. “Dapat kasi nag-aaral kang mabuti para hindi ka nagpapa-tutor,” aniya. “Oo, hindi ako kasing talino mo pero mas pogi ako sa ‘yo.” “Shut up!” Pagdating sa food center ay sinagot niya ang mga tanong ni Jensen. Kahit papano ay pinag-aralan niya ang genetic and DNA splicing. Nai-a-apply niya iyon sa pag-o-opera at transplant. Noon lang niya naisip na maaring magakaproblema siya sa miyembro ng pamilya niya tungkol kay Charmaine. Kilala ng parents niya si Charmaine, lalo na ang mommy niya na matalik na kaibigan ang parents ni Charmaine, na naging investor sa kumpanya nila noon. Hindi siya komportable sa sitwasyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD