Chapter 4

2521 Words
PAGKATAPOS ng memory scan kay Charmaine ay isinalang naman siya a body scan. Pinahiga siya sa maliit na deck saka ipinasok sa loob ng bilog na machine. Mabilis lang iyon. Lumusot siya sa kabilang dulo. Nai-scan din ang lahat ng daliri niya at mga mata. Wala siyang suot na kahit anong damit at alahas sa katawan no’ng isinagawa ang body scan. Bumalik naman si Charie at inayos ang record niya. Kinuhaan din siya ng dugo at laway para sa laboratory examination. Halos kalahating araw na siyang nasa laboratory. Nang matapos ang scan ay bumalik sila ni Charie sa clinic. Humiga siya sa deck. Noon lamang niya dinamdam ang pagod. “Hindi ka pa ba kakain?” pagkuwan ay tanong ni Charie. “Hindi pa naman ako nagugutom. Para akong nauupos na kandila,” aniya. “Ayos lang ‘yan, at least tapos na ang scan.” “Gusto ko nang magtrabaho. Nakakainip na.” “Huwag mong puwersahin. Magpahinga ka muna. After ng therapy mo ay papayagan ka naman ni Dr. Lee na magtrabaho. Pero kapag may nararamdaman kang hindi maganda sa katawan mo, magpakonsulta ka sa kanya.” Umupo siya nang maisip kung paano siya inalagaan ni Dr. Lee. “Uhm, Charie, si Dr. Lee lang ba ang nag-alaga sa akin?” tanong niya. “Oo. May ibang doktor na tumingin sa ‘yo pero simula noong na-rescue ka ay si Dr. Lee na ang nag-asikaso sa ‘yo. Naalala ko pa nga, pagdating mo rito ay halos patay ka na. Akala ko nga pababayaan ka na lang nila dahil ang sabi ng iba, fifty percent na ang tiyansang mabuhay ka pa dahil may damage ang heart valve mo gawa ng pagkatusok ng makapal na salamin sa dibdib mo. Pero nagawan iyon ng paraan ni Dr. Lee.” “Ano’ng ginawa niya?” “Kumuha siya ng heart valve sa ibang pasyente na naghihingalo saka inilipat sa ‘yo. ‘Yong pasyente na iyon ay nakuha sa ibang lugar pero totally damage na ang utak dahil sa pagkahulog mula sa gusali. Ako ang nag-assist kay Dr. Lee noong inoperahan ka niya. Nakita ko ang pagpupursige niya para mabuhay ka. Declared na sanang patay ka na during operation pero ni-revive pa rin niya. Hindi siya tumigil hanggang sa bumalik ang heartbeat mo. Doon talaga ako humanga nang husto sa kanya. Napakahusay niyang doktor. Makikita mo talaga kung gaano kahalaga sa kanya ang buhay ng pasyente,” kuwento ni Charie, habang inaayos ang record niya. May kung anong kumislot sa puso niya habang iniisip ang mga nagawa sa kanya ni Dr. Lee. Kung tutuusin, utang niya ang buhay niya sa binata. “Gusto kong bumawi sa kanya,” aniya. “Paano?” natatawang tanong ni Charie. “Kahit sa anong paraan. Kahit ano basta ma-appreciate niya.” “Hindi marunong mag-appreciate ng mababaw na bagay si Dr. Lee. May katigasan ang puso niya.” “s*x, baka gusto niya!” Humagalpak nang tawa si Charie. “Baliw ka talaga. Good suggestion pero magmumukha kang tanga sa gagawin mo,” anito. “Bakit naman? Ayaw niya sa mababaw na bagay ‘di ba? s*x was not common. Mukhang wala pa naman siyang karanasan. Malay mo, ma-appreciate niya.” “Ano’ng inaakala mo sa inaalok mo, tinapay? Baka magsisi ka kapag pinatos niya ang kabaliwan mo. Hindi nga siya natukso noong binihisan ka niya.” “E wala pa naman akong kamalay-malay noon. I think men never ignore sex.” “Bakit, kaya mo ba siyang i-accommodate?” “Bakit hindi? Gaano ba siya kalaki at kahaba?” walang kiming sabi niya. Kinurot ni Charie ang binti niya. “Ang landi mo. Akala mo madali? Hoy! Nakalimutan mo na rin ata na virgin ka pa,” sabi nito. Natatawa siya sa pinagsasabi niya. “We’re not born yesterday, Charie. Darating din ang araw na ibibigay natin ang virginity natin sa lalaking nararapat,” aniya. “I know. But do you think Dr. Lee is the right guy for you to claim your virginity? Baka masasaktan ka lang.” “Normal lang masaktan, pero kung iyon lang ang paraan para makabayad ako sa utang, I don’t have reason to hesitate. I think he’s the kind of guy who willing to accept responsibility.” “Ah, gano’n? Pagkatapos mong ibigay sa kanya ang s*x mo, ipapa-kargo mo ang responsibility sa kanya? Don’t you. I heard from Rafael, na may parte ng nakaraan si Dylan na hindi niya ma-give-up kaya ito naging manhid sa usapang pag-ibig.” “You mean he’s obsessed with someone else?” “I guess, a girl from his past.” “Sino si Rafael?” pagkuwan ay tanong niya. “He’s the man of my life. Kaibigan niya si Dylan. Pero hindi niya alam ang buong kuwento nito dahil malimit pa sa paglabas ng lunar eclipse magkuwento si Dylan.” “Gano’n ba? Ibig sabihin, in love pa rin si Dr. Lee sa first love niya?” aniya. “I’m not sure but that was a rumor.” “Uso rin pala ang tsismis dito?” “Ano ka ba? Walang tismis dito. Normal lang na may lumalabas na kuwento ng iba. It’s a part of human nature.” “Human nature?” “Yap. Ang mabuti pa magpahinga ka na. Mauubos ang laway ko sa ‘yo.” Ngumiti siya. “Pasensiya ka na, need ko lang talaga ng kausap.” “Sige na. Hintayin mong makapagtrabaho ka. Magsawa ka sa pakikipag-usap kay Rebecca. Mas kalog ‘yon.” “Ay talaga?” “Oo. Kumain ka muna bago bumalik sa kuwarto mo. Don’t forget your daily routine, hm?” Tumango siya. Pagkuwan ay lumabas na siya at nagtungo sa food center. Kamuntik pa siyang maligaw dahil sa kaliwa’t kanang pasilyo. Mabuti may sign board. PAGKALIPAS ng isang linggo. Excited na si Charmaine sa unang araw niya sa trabaho. Naka-program na rin ang personal data niya sa system ng academy kaya may access na siya sa ibang pasilidad ng academy. Nakahalubilo na rin niya ang ibang miyembro at estudiyate. Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap si Dr. Lee. Palaging nasa labas ng academy ang binata. Si Dr. Clynes ang nag-aasikaso sa kanya hangang natapos ang memory therapy niya. Nakaka-recall ang memory niya pero malabo ang mga nakikita niyang eksena. Ilang buwan pa raw ang pupunuin nila bago tuluyang manumbalik ang memorya niya. Sa unang araw niya sa trabaho ay sa kitchen siya napunta. Nag-aayos siya ng mga pagkain na isi-serve sa food center at para sa mga opisyales ng organisasyon na naka-duty. Karamihan sa mga assistant ng master chef na si Serron ay mga lalaking bampira. Napatunayan niya na may mababait naman palang mga bampira. Naglalagay siya ng ulam sa food warmer nang biglang tumulin ang t***k ng puso niya. Kinakabahan siya. Huminga siya ng malalim saka uminom ng isang basong tubig. “Dalhin mo na sa food center ang mga pagkain, Charmaine. Isakay mo sa food cart,” utos sa kanya ni Geed. “Sige.” Isinalansan naman niya sa maluwag na food cart ang mga ulam na nakalagay sa food warmer. Magaan lang namang itulak ang food cart. Nag-e-enjoy siya sa ginagawa. Pagdating sa food center ay namataan niya si Dr. Lee sa counter na may kasamang lalaki na kasing tangkad nito. Kausap ng mga ito si Rebecca. Nagpatuloy siya sa paglalakad papasok ng counter. “Hay salamat! Naghihintay na ang mga gutom nating costumer, Charmaine,” sabi ni Rebecca. “Hinintay ko pa kasing maluto ang kanin,” aniya. Naglagay kaagad ng set ng pagkain sa plato si Rebecca. Ang may laman nang plato ay ibinigay niya sa naghihintay. Inuna niyang binigyan ang kasama ni Dr. Lee na mukhang gutom na gutom na. “Hi, Charmaine! Kumusta ka na?” nakangiting tanong ng lalaki. “Okay lang siya, nakita mo naman,” sabat ni Rebecca. “Ikaw ba si Charmaine, Beca? Kailan ka pa nagpalit ng pangalan?” sabi ng lalaki. “Alam mo, Rafael, dito sa lugar natin, maraming tukso. Kaya mag-ingat ka,” sabi ni Rebecca. Napangiti siya. “Ikaw pala si Rafael? Ikaw ‘yong sinasabi ni Charie,” sabi niya. “Yap. Ano naman ang ikinukuwento ng mahal kong Charie sa ‘yo? Nagsasalita ba siya against sa akin?” ani Rafael. “Ah, hindi naman. Ipinagmamalaki ka nga niya.” “Mabuti kung gano’n. Pasensiya na, gutom na talaga ako. Kakauwi lang kasi namin mula sa misyon. Maiwan ko muna kayo. Thanks sa food,” anito saka nagpatiunang lumapit sa mesa. Ibinigay naman niya kay Dr. Lee ang isang set ng pagkain. “Thanks,” tipid nitong sabi pagkatanggap sa pagkain. “Ah, Doc.!” awat niya rito. Huminto naman ito at tumingin sa kanya. Hinihintay siya nitong magsalita. “Kuwan, puwede ba akong magpa-check-up mamaya? May kakaiba kasi akong nararamdaman sa dibdib ko,” aniya. “Puntahan mo ako sa clinic after lunch,” sabi nito saka tuluyang tumalikod. “Okay.” Nakangiti lang siya habang sinusundan ng tingin ang papalayong pegura ng binata. Kumislot siya nang may sumundot sa tagiliran niya. Marahas siyang humarap kay Rebecca. “Style mo bulok. Wala ka namang nararamdamang masama, eh. Gusto mo lang atang magpakapa ng dibdib kay Dr. Lee,” tudyo nito. “Ano? Seryoso kaya ako. Bigla lang bumibilis ang t***k ng puso ko.” “Baka naman kinakabahan ka lang.” “Bakit naman ako kakabahan?” “Ewan ko sa ‘yo. Mag-almusal ka na lang muna. Baka gutom lang ‘yan. O, heto sa ‘yo,” sabi nito saka binigyan siya ng pagkain. Umupo naman siya sa silya katapat ng round table saka kumain. Almusal pa lang ang kinakain niya ay excited na siyang kumain ng tanghalian para pagkatapos ay magpapakonsulta na siya kay Dr. Lee. Tamang-tama pagkatapos niyang kumain ay dumating na ang mga estudiyante ng night class. Pauwi na rin ang mga ito. Tinulungan niya sa pag-serve ng pagkain si Rebecca. Pagkatapos niyon ay bumalik na siya sa kusina para asikasuhin naman ang pagkain para sa tanghali. Naghatid din siya ng pagkain sa opisina ng mga opisyal. Doon na siya kumain ng tanghalian sa kusina. Pagkatapos daw ng tanghalian ay puwede na siyang magpahinga. Wala nang isi-serve na pagkain para sa hapon dahil nakahanda na ang meryenda. Optional naman daw ang meryenda at iilan lang ang kumakain kaya si Rebecca na ang bahala sa mga iyon. Half day lang ang duty niya sa isang araw. Pagsapit ng ala-una ng hapon ay nagtungo siya sa clinic. Si Charie na ang nadatnan niya na nagsisimula pa lang ng duty. Nasa extension ng clinic ang opisina ng mga doktor. “Kumusta ang work, Charmaine?” tanong ni Charie. Abala ito sa pagbibilang ng mga gamot. “Okay naman. Masarap ang mga pagkain,” aniya. “Mabuti naman. May kailangan ka ba rito?” “Ah, pinapunta ako rito ni Dr. Lee para sa check-up ko.” “Gano’n ba? Wala pa naman siya. Baka nasa laboratory. Maupo ka muna.” Umupo naman siya sa bench katabi ng estante ng mga gamot. Makalipas ang dalawang minutong paghihintay ay dumating si Dr. Lee. Deretso itong pumasok sa doctors’ office. Tumayo siya. “Charie, puwede ko na ba siyang pasukin?” tanong niya. Biglang natawa si Charie. “Bakit?” takang tanong niya. “Ang punto kasi ng sinabi mo ay parang may balak kang gawin kay Dr. Lee.” “Ah, gano’n ba?” natatawang sabi niya. “Sige na, pasukin mo na siya. Kumatok ka muna baka nagbibihis siya.” “Sige.” Pagdating niya sa tapat ng pinto ng opisina ay magkasunod siyang kumatok sa pinto. Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto. Wala namang nagbukas. Nabaling ang tingin niya kay Dr. Lee na nakatayo sa tapat ng divider at ay hawak na maliit na remote control, na ginamit marahil nito sa pagbukas ng pinto. “Please take your seat,” utos nito. Umupo naman siya sa tapat ng mesa na may name plate nito. Binasa niya mga katagang karugtong ng pangalan nito. ‘MD/cardiologist’. Ang dami pala nitong specialty. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakuha nito ang titolong iyon sa murang edad. Sa normal na taong kagaya niya, imposible iyon. Hindi niya maintindihan bakit espesyal sa pakiramdam niya ang propisyon nito. Nagsuot ng stethoscope si Dr. Lee saka lumapit sa kanya. Maong na pantalong itim lang ang suot nito at itim na T-shirt na hapit sa maskulado nitong katawan. Puting rubber shoes ang sapin nito sa mga paa. Hindi ito umupo. Nakatayo lang ito sa harapan niya. “Ano ba ang nararamdaman mo?” tanong nito. Expressionless ang mukha nito. “Minsan kasi biglang bumibilis ang t***k ng puso ko na walang dahilan. Para akong kinakabahan,” sagot niya. “Hindi ba kumikirot ang dibdib mo?” “Hindi naman pero minsan parang tumitigas ang puso ko.” “Mabilis ka bang mapagod?” “Hindi naman masyado.” Nilinis niya ang kanyang lalamunan nang inalis nito sa pagkabotones ang dalawang botones ng blouse niya sa taas. Pagkuwan ay ipinasok nito ang isang kamay na may hawak ng stethoscope at inilapat sa kaliwang dibdib niya. “I heard a little murmur,” sabi nito. “Anong murmur?” inosenteng tanong niya. Hindi siya nito sinagot. Itinuloy nito ang ginagawa. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi nang maramdaman niya ang pagdapo ng kamay nito sa gitna ng dibdib niya. Malusog ang dibdib niya kaya nahihirapan malamang itong ma-detect ang heartbeat niya. Umangat siya ng tingin. Biglang tumulin ang t***k ng puso niya nang mahuling nakatitig deretso sa mukha niya ang binata. Seryoso ito. Wala siyang mabasang kahit anong emosyon sa mukha nito. “Your heart skips a beat. I think that’s normal,” sabi nito. “Normal?” “Naninibago ka lang. Your heart just found a familiar reaction from your mind. Maybe your mind can’t recall, but your heart does.” “What do you mean?” Hindi siya sinagot ng binata. Inalis nito ang kamay sa kanyang dibdib. “Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari sa puso ko. Para kasing hindi normal. Minsan, bigla akong nagigising sa gabi at kinakabahan.” “What makes you awake?” “A familiar dream.” “Is it about church scene?” “Oo. Pero may iba pa. Hindi ko maintindihan. Kapag nanaginip ako nang gano’n ay para akong naghahabol ng hininga. Parang may nangyayari sa loob ng puso ko na hindi ko maintindihan. Wala ka bang puwedeng gawin para makita kung ano ang estado ng puso ko?” aniya. “Gusto mo ba ma-try ulit ang 2d Echo test?” “Ano ‘yon?” “Ultrasound sa puso.” “Sige. Kung ano ‘yong makabubuti.” “Take off your upper cloth,” utos nito sabay talikod. “Ha?” Nawindang siya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD