Chapter 5

2872 Words
“BAKIT kailangan ko pang maghubad?” inosenteng tanong ni Charmaine kay Dr. Lee. “Hindi puwedeng may sagabal sa katawan. Mahihirapan ang machine na ma-monitor ang loob ng dibdib mo. Don’t worry, I’m immune,” sabi nito. “Immune saan?” “Sa katawan mo.” Hindi niya maintindihan ang agarang pagtahip ng dibdib niya. Nagkalat ang init sa kaibuturan niya. “So, nahawakan mo na ang boobs ko?” walang kiming tanong niya. Hindi siya nito sinagot. Lumapit pa ito sa kanya at deretsong tumitig sa kanyang mga mata. Hindi niya napigil ang pagkagat sa ibabang labi niya. “Stop biting your lower lip, please. It looks seductive,” wika nito. Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Ibinaba niya ang tingin sa gawi ng dibdib nito na bakat sa suot nitong kamiseta. Paulit-ulit siyang lumunok dahil pakiramdam niya’y may nakabara sa lalamunan niya. “As I said, I’m immune seeing and touching your body, specially your boobs. Huwag kang mag-alala, wala iyong halong pagnanasa. Trabaho ko lang ‘yon. Kailangan kong hawakan ang dibdib mo para mabuksan at magamot ang puso mo. Kung hindi ko ‘yon ginawa, baka matagal ka nang pinapak ng uod,” seryosong wika nito. Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito. Tumayo siya saka dahan-dahang hinuhubad ang pan-itaas niyang saplot. “Hindi naman sa hinuhusgahan kita. Gusto ko lang makasiguro na wala kang ginawang masama sa katawan ko,” sabi niya. “Ramdam mo naman ‘yon kung may nawala sa ‘yo,” sabi nito. “Pero gusto kong makabawi sa lahat ng ginawa mo. Kung hindi ka tumatanggap ng simpleng bagay bilang kabayaran, I give you permission to touch me,” hibang na sabi niya. “What?” Ngumiti siya. “Uh, don’t mind me.” Tuluyan niyang hinubad ang kanyang underwear. Ano ka ba, Charmaine? Nahihibang ka na ba? Tama ba’ng sinabi mo ‘yon sa kanya? Saway ng isip niya. Iginiya naman siya nito sa kama. Humiga siya. May idinikit itong aparato sa kaliwang dibdib niya na nakakonekta sa maliit na monitor. “Normal naman ang size ng puso mo pati ang heart rhythm. Kailangan mo lang kontrolin ang emotions mo and avoid stress. Matulog ka nang at least 6 to 8 hours per day. Avoid fatty food and sweets para maiwasan ang blood clothing. Ituloy mo lang ang daily exercise para sa magandang blood circulation, huwag naman sobrang nakapapagod na physical activities, nakasasama rin,” sabi nito. Mamaya ay inalis na nito ang aparato sa dibdib niya. Pinayagan na siya nitong tumayo. Naibandera pa niya ang hubad niyang dibdib sa harapan ng binata bago niya natagpuan ang kanyang damit. Napansin niya ang maya’t-mayang pagsipat nito sa kanya. Bilib na talaga siya sa tatag ng kontrol nito sa sarili. Imposibleng wala itong libido sa katawan at hindi nakararamdam ng pagnanasa. Umupo siya sa silyang katapat ng lamesa nito. Humarap sa kanya ang binata at pinanood siya habang nagbibihis. Nginitian niya ito. “I’m not sure if your poker face is inborn. But you look good enough to bite, Dr. Lee. Can I call you Dylan? Your name sounds sexy,” wika niya. “You can do what you want,” anito. Tumayo siya kahit hindi pa nai-lock ang kanyang bra. Humakbang siya palapit dito. “I don’t have any idea what kind of woman I am before. But I think it’s my human nature. I’m a little bold and naughty,” aniya. Hinaplos niya ang dibdib ng binata. Napansin niya ang pagtaas-baba ng Adam’s apple nito. “No, you’re not,” tutol nito. “What?” Umiwas ng tingin ang binata. “I mean, nalilito ka lang. Magbihis ka na,” sabi nito. “Wait.” Hinawakan niya ito sa kanang braso. Hindi niya iyon mahawakan ng buo dahil sa hitik nitong muscle. Ibinalik nito ang tingin sa kanya. Tumingkayad siya upang maabot ang bibig nito. Walang abog na siniil niya ng halik ang mga labi nito. Nasorpresa siya nang tumugon ito pero kaagad din siyang itinulak. Napaatras siya. “Why? I just want to thank you for saving my life,” aniya. “Words are enough,” masungit nitong turan. “Fine. For me, the word is not enough to pay for your sacrifices and effort in saving me. Please, let me do something for you. Name it,” aniya. “You can do anything but please, don’t seduce me.” “What?” natatawang untag niya. Nahahalata niya sa mukha nito ang frustration. “Mukhang madali kang ma-seduce.” “Of course, I’m still a man. Magbihis ka na at magpahinga,” anito. Nagbihis naman siya. “Salamat sa oras mo. Babalik na lang ako kapag may naramdaman akong hinid maganda,” sabi niya pagkuwan. Hindi na kumibo ang binata. Iniwan na niya ito. “F*CK! She’s crazy!” bulalas ni Dylan nang makalabas na si Charmaine. Mariing ikinuyom niya ang kanyang mga palad upang pakalmahin ang kanyang emosyon. Hindi niya inasahan ang hakbang kanina ng dalaga. Nabigla siya at kamuntik nang mawalan ng kontrol. Mabuti buhay pa ang katinuan ng isip niya. Nasurpresa siya sa asal na pinakita nito sa kanya. Gaano nga ba niya ito kakilala? Hindi niya alam kung ano ang binago ng fourteen years sa pagkatao nito. Nang kumalma ang kanyang nerves ay saka niya binalikan ang result ng test na ginawa niya sa dalaga. Inasahan niya na iyon na ang huling pagkakataon na magrereklamo ito tungkol sa estado ng puso nito. Gusto na niya itong kalimutan at ibaon sa kanyang nakaraan. Pagdating niya sa sa laboratory ay nadatnan niya si Alessandro na may binubutingting sa memory machine. “May I disturb you?” tanong niya rito. “Oh, sure,” sabi nito. “May mga specimen akong pinadala rito kanina. May result na ba ang test?” “Iyong blood sample ay wala pa. Saan ba ‘yon nanggaling?” “Sa area malapit sa Mactan safe house. May pinatay na tao at bampira. Base sa statement ng witness, may umatake raw sa bangka na sinakyan ng dalawang biktima. Maaring miyembro ng black ribbon ang suspect.” “So saan nanggaling ang blood sample?” “Nakuha iyon sa mismong bangka kung saan nangyari ang pagpatay. Pamilyar sa akin ang palasong ginamit sa isang biktima.” “Oo nga. Na-identify ko ang lasong meron ang palaso. Katulad iyon sa lason ng palaso na tumama sa ‘yo noon. Nakakuha ng ideya ang black ribbon sa atin. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa gusto nilang iparating.” “They kill humans without reason?” “No, pinapatay nila ang mga tao para gawing kauri nila. Wala naman silang mahahakot na magiging miyembro kundi sa mga mortal. Magmula noong umalis sa black ribbon si Steven Scott ay humihina na ang grupo nila. May mga leader sila pero mga ordinaryong bampira rin. Halos naubos na rin ang mga experimented vampire ni Dr. Dreel. Mayroon silang genetic engineers na patuloy na nagsi-splice ng DNA. They have the formula from Dr. Dreel, so they can create powerful vampires.” “Pero hinid na uobra ang mga ideya nila ngayon.” “We can’t say that. We still don’t have an idea about Steven. Huli siyang nakita ng miyembro ng Libertad sa Spain.” “Ano naman ang ginagawa niya roon?” “I don’t know. Matagal na siyang pinapahanap ni Tito Dario.” “Kapatid ba siya ni Tito Dario?” “Yes, sa father side. Kapatid din ni Daddy. Anak siya ni Dr. Dreel sa anak ni Draculus.” “Wow, now I know why he’s the furious vampire in history.” “Wala nga lang siyang pakialam sa kasaysayan. He’s a black sheep of the legend.” “Sayang. Malaki sana ang pakinabang natin sa kanya.” “But I guessed, he just around. He always watching us. Kilala mo ba si Torn?” “Sinong Torn?” “Kaibigan ni Erman na invisible. Matatawag din siyang si Roe or white rose. May koneksiyon siya kay Steven. Marami siyang alam sa nangyayari sa mundo.” “Samantalang tayo, walang alam tungkol sa kanya.” “Because he’s invisible and mysterious. Kapag nakiisa siya sa atin, malalaman natin ang mga kilos ni Steven, pati kilos ng mga kalaban. Napag-usapan sa huling meeting ang tungkol sa mga miyembro ng black ribbon na halos mga mortal at ginawang bampira.” Naalala niya ang kaibigan niyang si James. Malakas ang kutob niya na ginawa na iyong bampira dahil noong huli silang nagkita ay kinagat iyon ng bampira. Noon na ulit niya naalala ang kuwintas na binigay sa kanya ni James. Hanggang ngayon ay hindi na niya iyon makita. Hindi daw maalala ng mommy niya kung saan niyon nailagay ang kuwintas matapos labhan ang hinubad niyang damit. “N-nasa loob ang-l-litrato niya. A-Alagaan mo siya p-para s-kin.” naalala niya’ng sinabi noon ni James pagkabigay sa kanya ng kuwintas. Paano pa niya malalaman kung buhay pa ang babaeng sinasabi niyon? Ni hindi niya nakita ang litrato. Magmula noong pumunta siya ng Amerika para mag-aral ay hindi na sila nagkita ni James. Noon lang na hinabol ito ng mga bampira. Wala siyang balita rito dahil wala silang komunikasyon. Bawal sa kanila magbabad sa social media, kahit sa anong gadgets. Nakatutok lang sila sa pag-aaral. “Meron pala akong good news,” mamaya ay sabi ni Alessandro. Lumipat sila sa harap ng main monitor. May binuksan itong data. Nakapaloob roon ang status ng memory ni Charmaine. “Twenty percent na ang nararating ng memory ni Charmaine from her past. Siguro nasa ten years old siya nito. Hanggang doon pa lang ang naabot ng memory niya pero still on progress naman itong ginagawa ko. Mai-a-apply ko ito sa mismong memory niya once complete na,” sabi nito. Nakadama siya ng iritasyon. Kapag tumuntong na sa thirty percent ang ginagawang memory-enhancing ni Alessandro, mag-a-appear na siya sa memories ni Charmaine. Mabibisto na siya nito. At kapag nai-insert na nito ang enhanced memory kay Charmaine ay awtomatikong maaalala siya ng dalaga. “You just wasting your time doing that, Sandro. Maraming mas importanteng dapat nating gawin. Temporary amnesia lang naman ang kaso ni Charmaine. We don’t need to force her memory back. Baka makaaapekto lang ‘yon sa utak niya. Kaka-monitor mo sa memory niya, mukhang may saltik na,” aniya. “What?” First time niyang narinig ang hagikgik ni Alessandro. “So, is it my fault? I’m just helping her to recover.” “But you overused your ability, Sandro. Why you can’t do the normal medication? I know you’re not an ordinary genius but please, take control of yourself. Charmaine is my patient so I have the right to decide what is good for her,” palatak niya. Bilib na talaga siya kay Alessandro. Kalmado pa rin ito. “Why I have the feeling that you’re against my job? Dylan, I never failed in my works.” “I know, but not all time you can manage the situation. You’re not God. Pabayaan mo sa akin si Charmaine. Hindi malaking isyu ang amnesia niya. She can naturally recall her memories. Her heart is my concern.” “I think you did your job. You need brain specialist to manage her problem. Wala ka namang ginagawa para maibalik ang memory niya.” “Hindi niya iyon ikamamatay, Sandro!” “But once depression strikes her, her body will give up. Not only the heart can control our body, we still have a mind. Kapag puro puso ang umiiral at walang utak, parang patay din ang katawan. I hate arguing but we’re doing it now. Don’t show me that you’re against all my ideas. You’re affected by Charmaine’s case. Can you tell me something? You can trust me, man,” kalmado pa ring sabi nito. Noon lang niya nakitang nakikipagsagutan si Alessandro. Masyado na siyang naapektuhan ng pagdating ni Charmaine sa academy. Kung pinabayaan naman niya itong namatay noon, habang buhay rin siyang uusigin ng konsiyensiya niya. Wala namang kasalanan sa kanya ang dalaga pero hinid niya maintindihan bakit itinutulak ito palayo ng isip niya, kahit ramdam niya na kabig pa rin ito ng kanyang puso. “Malalaman mo rin kapag complete na ang ginagawa mong memory enhancing,” sabi niya. “Hindi ko ini-enhance ang memory niya. Ginagawa ko ang advanced formula to recall the deleted memories. Mas advanced ito sa reformat process. Automatic na ang pag-enhance ng memory niya since on progress ang paglikha niya ng new memories. Once a week na lang ang memory scan na ginagawa ko sa kanya para hindi sayang ang oras. I think you’re right, I need to wait for the complete result. Malalaman ko kung may itinatago ka.” Advance mag-isip si Alessandro kaya wala siyang laban dito. Baka makatulog pa ito sa problema niya. “You’re always right, Sandro. Parte ako ng nakaraan ni Charmaine,” bunyag niya. Manghang napatitig sa kanya si Alessandro. “Nagkakilala na kayo?” anito. “Since grade school. Investor ng company ni Mommy ang parents niya. Naging kami ng three years.” “What? Since grade school?” “I think hindi iyon love. Mga bata pa kami.” “Pero ang mga bata noon ay mapupusok. In their teenage, they know about s*x. They feel the obsession.” “Puppy love lang ‘yon. Kaya ko siya iniwan dahil alam ko na magbabago pa siya. Ayaw kong makulong sa relasyong iyon. Isa pa, hindi niya alam na may dugo akong bampira. Baka isa iyon sa magiging dahilan at mag-quit siya. Ayaw kong darating ang araw na isumbat niya sa akin ang pagkaligaw ng landas niya. She has a normal life, beautiful dreams, and ambitions. I want to give her a chance to realize what she wants in life. Having an early relationship was big destruction. Napansin ko noong naging kami ay bumababa ang grades niya. Gusto niya palagi lang kaming magkasama. Matured siyang mag-isip noon. Pero alam ko na nabigla lang siya. Hindi naging good influence sa kanya ang pagkakaroon ng boyfriend. She’s obsessed. Siguro kung hindi ko siya iniwan, baka maaga kaming nagka-baby. Baka hindi niya naabot ang pangarap niya at ganoon din ako. Pareho kaming mapusok noon. We’re about to do some s****l activity, but I still took control of the situation. Mas mature pa rin ako sa kanya. Kaya noong nagdesisyon ang parents ko na sa Amerika ako magpatuloy ng pag-aaral, pumayag na ako. Gusto ko ring lumayo kay Charmaine,” mahabang kuwento niya. “It makes sense now. But I guess you didn’t leave her like you’re leaving trash in a trashcan,” komento nito. May kung anong kumurot sa puso niya. Hindi niya iyon inaasahan. “Nahirapan din ako, but I had to control those pains.” “Did you loved her?” “I love her.” “You forgot the letter ‘D’. You mean, you still love her,” tudyo nito. Tiningnan niya nang matalim si Alessandro. “Ganyan ba katalas ang pandinig mo? Hindi ko lang na-pronounce ang ‘D’, mali na?” napipikong sabi niya. “You sound guilty, Dylan. Thanks for the story. But Charmaine deserves to know her past.” “Para ano? Bubuhayin lang ng alaala niya ang sugat sa puso niya.” “Kung humilon na iyon, hindi siya masasaktan, unless kung makita ka niya ‘tapos bigla siyang nakadama ng sakit. Meaning, she’s still affected with your past. Pero kung hindi na, baka nakapag-move on na siya.” “I think she did. She wore a wedding ring. She’s always dreaming about her wedding day.” Saka niya naalala ang sinabi ng dalaga noong pinag-usapan nila ang panaginip nito. “Pero, imposible. Kung kasal na ako, why I’m still a virgin?” Imposible nga. Meron bang ikinasal na walang honeymoon? At ano naman ang pakialam niya roon? “So you bothered about her married life?” usig ni Alessandro. “I don’t care. Mas mabuti na iyon. She deserves to marry a right man.” “But the question is, where her husband now?” “Don’t ask me about that.” “Baka namatay na. I don’t believe in destiny but Narian proved to me that sometimes destiny comes in two people who both don’t believe about it.” “Damn that destiny.” “You still have a chance, Dylan.” “Chance for what?” “To reopen your heart for the same person who owned that first.” Bumuntong-hininga siya. “Nahawa ka na ng kadaldalan ni Narian. Ang lakas talaga ng impluwensiya niya sa ‘yo.” Hindi umimik si Alessandro. Pagkuwan ay iniwan na niya ito.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD