"Omg, girl! Bumalik ka na sa Pinas? Finally, nandito ka na rin? After three years na wala kaming communication sa'yo! Tapos sasabihin mong may anak ka na at asawa?" Nailayo ko ang aking cellphone sa aking tenga dahil sa matinis na boses ni Kamilla. Ang lakas nang boses niya akala mo naka-megaphone sya. "Teka, fiancè. Fiancè ko pa lang si Lourde, Kams. E, kailangan kong mag-focus sa mga anak ko, Kams, kaya naputol ang communication ko sa inyo ni Pillow. By the way, nasa'n pala si Pillow?" pagtatanong ko sa kanya. "Ayan, tatlong taon kang nawala. Hindi mo alam kung anong nangyayari rito sa Pinas. One month nang kasal si Pillow kay Baca. Oo, tama ang rinig mo, girl, sila ang nagkatuluyang dalawa! Akalain mo iyon may namamagitan pala sa dalawang iyon." Napaupo ako rito sa hammock na pina