"Oh my gosh! Iyong damit ko! Ang mahal ng damit kong ito tapos matatapunan niyo lang! Sino ba mga magulang niyo!" Napatayo agad ako sa aking kinauupuan ng marinig ang matinis na boses na iyon. "Sweetheart, saan ka pupunta?" pagtatanong sa akin ni Lourde at sumunod ito sa akin. Maging sila kuya ay sumunod na rin. "Sina Naxir at Nigel, Lourde." iyon lang sinabi ko sa kanya. Magaslaw kumilos si Naxir. Pakiramdam ko siya ang pinapagalitan kung kanino man ang boses na iyon. Lalong kumabog ang puso ko nang marinig ang boses na iyon. "Don't hurt my twin!" "Take your hand away from our cousin. You're bad!" "Ang susuwail niyo talaga! Kaya I don't like kids!" "Lourde, si Naxir." mahinang nasabi ko na lamang kay Lourde at madiin na humawak sa kanyang braso. Binilisan namin ang paglal