"Si Wayne ba iyon o si Warren iyong kasama niya, Nene?" Hindi ako nakatulog dahil sa nakita namin. Hindi ko rin alam kung sino sa dalawa ang kasama ni Annika kahapon, malayo siya para ma-confirm ko. Hindi ko rin makita kung may hikaw ba ang kasama niya. "Tawagan mo kaya silang dalawa para ma-confirm natin kung sino ang kasama ng bruhang niyon, Nene!" Sobrang lutang ng isipan ko kahapon kaya maging ang pagkuha ng aking cellphone ay 'di ko magawa. Para akong tuod kahapon habang nakatingin sa dalawang taong naglalakad sa kabila, masaya sila. Na siyang kinabasag ng natutulog kong puso. Hindi ko rin kayang tawagan ang isa sa kanila. Ayokong malaman kung sino ang kasama ni Annika. Ang daming sinasabi nina Kamilla at Pillow sa akin kahapon pero sobra na akong nabibingi. Nawalan na ako