Nang makabili na ng ticket namin si Pillow, napagpasyahan naming bumalik sa star cafè. Naghihintay sa amin doon si Kams baka naiinip na ang isang niyon. "Akala ni Kams, siya ang naunang nakarating sa ating tatlo?" nagtatanong na sabi nito sa akin. Sinabi ko kasi sa kanya ang palitan na text messages namin ni Kamilla. "Asa naman siya na mauunahan niya tayo. Kailan ba siya naging on-time sa mga lakad natin?" aniya at sabay iling niya sa akin. I shrugged at what she said, "alam mo naman niyon kapag nakitang walang tao sa pinag-usapan nating tagpuan, akala niya nauna na siya agad." simpleng sabi ko sa kanya. Nasa tapat na kami ng star cafè, tanaw namin sa may salamin si Kamilla, sumisipsip ng inorder niya. "Hi, Kams!" sabay na bati namin ni Pillow sa kanya. "Hmmp! Akala ko pa nama