"Nene?" Napaangat ako ng tingin ng may tumawag sa aking pangalan. Nakita ko si Pillow na kumakaway na palapit sa akin, "Hi," tipid na bati ko sa kanya. "Hi, Nene! Ba't ka pala nagtext? Miss mo na kami?" masaya niyang sabi sa akin at bumeso sa aking pisngi. Nagkibit-balikat ako sa kanya, "wala akong magawa, e. Kaya napagpasyahan kong lumabas na lang tayong tatlo." Wala naman talaga ako magawa. Ilang araw na kasing malayong tumatakbo ang aking isipan. "Kasabay mo na si Kams?" pagtatanong ko kay Pillow ng makitang walang sumingit sa usapan naming dalawa. "Ay, akala ko kasama mo na siya? Tinawagan ko siya kanina, on the way na ang sinagot niya sa tawag ko." Kamot-kamot niya ang kanyang buhok nang sabihin niya iyon sa akin. Kahit kailan talaga ang isang iyon, masyadong VIP! "Hin