Lutang ako dahil sa usapan namin ni ate Jasmine. Tama naman ang sinabi niya, hindi habang buhay na maitatago ko ang tungkol kay Nigel at Naxir. Karapatan din nilang malaman ang totoong daddy nila. Pero, paano ko ipapaliwanag sa kambal ang lahat? Paano kung magtanong sila kung ba't wala ang daddy nila sa kanilang tabi habang lumalaki sila? Paano ko ipapaliwanag sa kanila na iniwan ako ng mga daddy nila nu'ng mga panahong buntis na ako sa kanila. At, huli, paano ko sasabihin na dalawa ang daddy nila, kahit alam ko namang may ideya na sila sa estado ng mga pinsan nilang sina Jaxon at Jessie. "What are you thinking, sweetheart?" Nagulat ako ng maramdaman kong nasa gilid ko na si Lourde. Naka-akbay ito sa akin at nakatingin sa kambal na masayang naglalaro kasama ang mga pinsan nila. Napab