Nagising ako ng masakit ang buong katawan ko lalo na ang ibabang bahagi ng aking katawan. Napalingon ako sa aking gilid at nakita ko ang mahimbing na natutulog na si Lourde. Nakadantay sa akin ang kanang binti niya at maging ang kanyang kanang kamay niya ay nakapalibot sa aking bewang. May saplot na akong suot, sinuotan niya siguro ako ng damit kagabi. Sobrang pagod ko kagabi, nakatulog na ako. Tinanggal ko ang kanyang binti at kamay sa akin. Nalalagkitan na ako dahil sa ginawa naming kagabi. Bago ako bumaba sa kamay ay hinalikan ko muna siya sa kanyang labi at dumiretso na sa bathroom. After kong maligo, nadatnan ko ang kama naming maayos na at wala ng nakahiga roon. Gising na rin siya? Kinuha ko ang suklay sa handbag ko at sinuklay ko sa aking buhok bago lumabas sa k'warto. Nada