Nagkagulo ang lahat ng mga tauhan nilang nandito. Pinakalat niya ang mga lalaking armado ng mga baril. "P-paano nila ako nasundan? Nag-ingat ako para 'di nila masundan! Fcking sh*t!" naggagalaiting mura ni Kamilla sa aking harapan. "Anong gagawin natin Annika? Kailangan natin tumakas pero bago iyon kailangan nating iligpit itong bruhang ito!" galit na saad ni Kamilla at tumingin silang dalawa sa akin. "Magsikalat kayo sa buong lugar! Patayin silang lahat, wala kayong ititira sa kanila!" galit na sigaw ni Annika sa mga tauhan nila at agad itong mga tumakbo palabas sa kinalalagyan namin. Apat na lamang kaming narito, wala na ni-isang tauhan ang natira. Napayuko ako ng marinig ang mga putukan sa labas. Oh god, bakit sa akin nangyayari ito? Hindi ba itong isang palabas sa movie o sa