Nakita kong tinamaan sa likod si Lourde na siyang pagkatumba naming dalawa sa mainit na semento at hindi lamang doon dahil bago ako mawalan ng malay-tao nakita ko rin ang pagkadapa ni Warren ng saluhin niya ang pangalawang bala na tatama dapat sa akin. Hindi ko na nalaman kung paano ako naidala sa hospital. Tanging paggising ko ay puro puti na ang aking nakita, may IV nakaturok sa aking likod na palad at swero sa aking gilid. Nang magising ako agad kong hinanap sina Lourde at Warren. Nakatulala lang sa akin si kuya Jeppy nu'n, hindi alam kung anong sasabihin kaya kinabahan ako. Gano'n sila sa akin nu'ng na aksidente kami ni ate Miya. Wala rin silang sinabi sa akin na nasa panganib na pala ang buhay ni ate ng oras na iyon. Pinilit kong bumaba sa kamang hinihigaan ko pero pinigilan ako