"Mami! I'm tired na po! Karga po!" Napailing na lang ako kay Naxir pero imbis na ako ang kumarga sa kanya, binuhat siya ni Lourde. "Si Dada na lang kakarga sayo. Big boy ka na para kargahin ka ni Mami." paglalambing na sabi niya kay Naxir. Binuhat niya ito at pinaupo sa kanyang batok. "Humawak ka kay Dada, Naxir. Ikaw rin hawakan mo niyan." "Yes, sweetheart." saludong sabi niya sa akin. Napailing na lang ako sa kanila. Hawak ko ngayon si Nigel na nakatingin sa paligid. Nandito kami sa small island na tinatawag nila. Kapag tanghali raw low tide dito sa island na ito kaya makikita mo ang sikat na sand bar sa lugar na ito. Sobrang pino ng buhangin at maputi talaga, isama mo pa ang dagat na sobrang linis. "Tita Nene, tignan niyo po!" tawag sa akin ni Jessie. Lumapit kami sa kanya at