Nag-umpisa ang unang araw namin sa beach resort na matiwasay. Masayang nagtampisaw ang mga bata sa pool area na mayro'n din dito. Pinagbawalan mo na kasi namin sila beach mismo dahil maggagabi na iyon baka mapaano pa sila. "Sweetheart," napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Lourde. Kagigising lang niya, ako na naman unang hinahanap ng isang iyon. Tss. "Lourde, I'm here in the bathroom!" malakas na sigaw ko sa kanya. Nilakasan ko talaga baka kasi 'di niya marinig, minsan lutang din ang isang iyon. Abala ako ngayon sa pag-sha-shampoo ng aking buhok. Maaga talaga ako naliligo lalo na nu'ng nagkaroon ako ng dalawang anak. "Mm-hmm..." mahinang ritmo ko sa aking sarili habang kinukuskos ang aking buhok. Napatigil ako sa mahinang pagkanta ko ng may marinig akong pagbukas ng p