KABANATA 29: JHON FLOYD'S POINT OF VIEW: ITO IYONG ARAW NA MATAGAL KO nang pinaplano. Matagal ko nang gustong gawin pero hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko nang ituloy. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, ang nararamdaman ko. Kinakabahan kasi ako. Normal lang naman sigurong kabahan lalo na at magtatapat ka ng nararamdaman sa taong matagal mo nang gusto. But there's something weird. I keep thinking of what Micay would feel once I told her that I am going to confess with Addilyn. Mukhang totoo nga talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya, pero bakit may gusto pa rin ako kay Addilyn? Nalilito ako. Iyon ang totoo. Pero sana naman magkaro'ng ng sign. Sign kung itutuloy ko ba itong confession ko kay Addilyn. Kasalukuyan akong nagmamaneho papunta sa coffee shop ni Addilyn. Tinext ko si

