KABANATA 30: JHON FLOYD POINT OF VIEW: NAPABUNTONG-HININGA AKO habang nagmamaneho pauwi ng bahay. Kanina pa ako ganito, walang kibo at walang imik sa mga nangyayari sa paligid kahit kanina na nasa loob ng klase. Nagtanong ang professor tungkol sa lesson, wala sa sariling sinagot ko iyon. Mabuti na lang at alam ko ang sagot dahil malamang na mapapahiya ako. I know that I shouldn't ask Micay about that, pero hindi ko naiwasan kanina. Gusto kong malaman ang sagot niya pero sa huli, masakit malaman na ganoon ang magiging reaksyon niya. I guess I should just focus on Ate Alda, because she's the only reason now why I still want to countinue remembering my life as Everette. I want to at least help her before I receive my punishment. Kahit hindi ko naman alam kung ano iyong parusang iyon dahil

