KABANATA 31: SA BUONG GABING PAG-IISIP KO, na-realize kong kahit na ano ang piliin ko, talo pa rin ako. Hindi ko naisip bago ako pumayag sa kasunduan na pwedeng ganito ang mangyari. Dinaya ko ang batas ng langit kaya ganito ang resulta ng lahat. Ngayon, hindi ko na alam, ang tanging naiisip ko na lamang na paraan ay sumunod sa agos ng buhay. Naisip ko rin na kailangan ko nang gawin ang lahat ng unfinished missions ko bago manlang bumalik iyong lalaking 'yon at hingiin ang sagot ko. Nakakatakot man, pero kailangan kong harapin ang lahat dahil ginawa ko 'to, pinili ko. Ilang beses ko nang tinawagan si Ployd pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sumasagot. Nag-ri-ring naman pero ewan ko ba kung bakit hindi niya sinasagot, tila ba hinahayaan lang na mag-ring hanggang sa mamatay ang tawag

