KABANATA 35: JHON FLOYD'S POINT OF VIEW: I DON'T KNOW WHY I KEEP ON thinking about her. Totoong hindi ko siya maalala, kahit na ilang beses niya akong kinulit at pinilit na alalahanin siya, hindi ko magawa. But I did try, kasi hindi naman niya ako kukulitin nang ganoon kung hindi talaga kami magkakilala. And also, the way she look at me, para bang malaki ang naging impact ko sa buhay niya. Her eyes look so sad. Bumangon ako mula sa kama at saka dumiretso na sa banyo. Umaga na lang hindi pa rin ako nakakatulog. Ang dami ko na ngang iniisip, sumasali pa siya. I shook my head as I turn on the shower. Kaagad akong napasigaw nang tumama sa balat ko ang malamig na tubig. Baka sakaling mahimasmasan ako dahil dito sa cold shower. Matapos maligo, nagbihis ako at umalis na kaagad without eatin

