KABANATA 8:

2032 Words
KABANATA 8: MARAMI AKONG MGA NAKIKITANG tungkol sa reincarnation at ang mga experiences nila pero wala akong makitang kagaya ng sa akin. They are all born hundreds of years before they got reincarnated. Mayroon naman akong nakitang about sa bata na alam niyang siya ang first baby ng own parents niya but unfortunately, namatay siya sa loob pa lang ng tiyan ng mother niya and then sa sumunod na baby ng same parents, siya ulit iyong naging baby nila. But still, it has nothing to do with my situation. I need to know if there are some people who has the same experience as me, iyong tumalon sa isang balon para lang madaya ang kaniyang kapalaran. So I tried to research about it. Ilang word keys ang inilagay ko roon pero wala talaga akong makita, hanggang sa naubos na lang ang time ko pero wala pa rin talaga. Nakakapanlumo. . . . Umuwi ako ng bahay na nanlulumo, akala ko kanina noong nakausap ko iyong lalaki sa rooftop, magkakaroon na ako ng karamay, pero hindi pa pala. Wala pa rin pala talaga akong makakasama sa mission kong ito na sana ay possible. If ever na paniwalaan man ako ni Rufert, ano kaya ang mangyayari? Mabubuhay kaya kami nang masaya gaya ng mga pangarap namin noon? I hope so. And for my past parents, I don't know kung i-a-approach ko pa sila, kung magagawa kong sabihin sa kanila na ako ito. Alam kong mahirap sa isang magulang ang mawalan ng anak at kapag nalaman nilang nabuhay akong muli at sa katawan ni Micaella Reyes, I don't think they will believe me. Siguro mas mahihirapan silang tanggapin kaysa kay Rufert. "Kumusta ang school? Napapansin kong matamlay ka nitong mga nakaraang araw, pwede kang magsabi sa akin kapag may problema ka," bungad sa akin ni nanay. Kasalukuyan akong nakaupo sa cleopatra na upuan namin dito sa may sala habang nanunuod ng T.V. pero ang totoo, hindi ko naman maintindihan. "Huwag po kayong mag-alala 'nay, ayos lang naman po ako. Masyado lang nakakapagod ang mga ginagawa namin sa school kaya ganito at matamlay ako," sagot ko. Tumango siya at saka tumabi sa akin. "Sigurado ka ha? Kahit naman ganito ako sa'yo, kung minsan ay napapagalitan kita, nag-aalala pa rin ako." Nginitian ko si nanay. Kung mayroon mang wala sa mga dati kong magulang na mayaman, ito iyon. Iyong ipakita ang totoong care nila sa akin. Madalas silang abala sa pagtatrabaho kaya madalas na nakakalimutan na rin nila ako. Palagi silang pagod pagkagaling sa kumpanya kaya naman wala na silang time. Yes, hinahatid sundo pa rin nila ako sa school, pero hindi sila kailanman nagkaroon na ng bonding time sa akin since elementary ako. Noong debut ko pa ay halos hindi sila pumunta, kung hindi ko lang sila iniyakan. "Nga pala, nagkausap kami ng tatay mo. Gusto ka niyang makausap at makasama," biglang sabi ni nanay. Tumaas ang kilay ko. "Ang tagal na niyang wala sa buhay natin 'nay, bakit bigla naman siyang nagparamdam ngayon?" Nakakainis isipin na pumayag pa talaga si nanay na makipag-usap doon. "Matagal na siyang nagpaparamdam sa akin, panay ang text pero hindi ko siya pinapansin dahil galit pa rin talaga ako sa kaniya," sagot niya. "Pero naisip ko kasi na baka gusto mong makausap ang tatay mo kaya sinubukan ko na rin siyang kausapin." Napailing na lamang ako sa sinabi ni nanay. "Hindi ko gustong makausap si tatay, hayaan mo siya. Ayaw kong makausap ang taong nang-iwan sa atin sa mga oras na kailangan natin siya." Natahimik si nanay sa sinabi ko. Iyon naman talaga ang totoo, nakita ko kung paano naghirap si nanay kung paano niya ako pinalaki nang mag-isa. Masyado pa akong bata noon kaya nahirapan siyang pagsabayin ang pagtatrabaho at ang pag-aalaga sa akin. Pinasok niya ang lahat ng klase ng trabaho, mabuhay lang ako. Habang si tatay ay nagliliwaliw na para bang binata. Akala niya siguro naging madali ang lahat para sa amin, hindi niya alam, na sa bawat paghihirap ng nanay ko, ay ang mas paglala ng sama ng loob ko sa kaniya. "Sige anak, saka mo na lang siya kausapin kapag handa ka na. Maski ako, ayaw ko siyang kausapin pero ikaw kasi ang iniisip ko. Baka lang nangungulila ka sa kaniya." Noong bata pa ako, nangulila rin naman ako sa kaniya, pero habang lumalaki ako at nalaman ko na kung ano ang ginawa niya pilit ko na siyang kinamuhian. Naramdaman siguro ni nanay na naiilang ako sa usapan namin tungkol kay tatay kaya namin iniwas na niya ang usapan at tinanong ako sa kung ano ang gusto kong ulam. Sinabi kong kahit ano basta kasya sa budget. Isang online seller si nanay. Mabuti na nga lang at nadiskubre namin ang online selling dahil mas naging madali kay nanay ang lahat. Kung noon ay kailangan niya pang kumatok sa mga kapitbahay namin o kaya ay maglako sa gitna ng initan para lang may bumili sa kaniya, ngayon sa online na lang gamit ang luma niyang cellphone. Nagpopost siya ng kung ano-ano, kung minsan damit, mga gamit sa bahay o kaya naman ay pagkain. Basta kahit na anong pwede niyang maibenta. Kaya nga hindi na ako nanghihingi ng panload sa kaniya kasi siya ang mas kailangan ng load palagi. Hindi bale nang mabulok ang touchscreen kong cellphone dahil laging walang load basta siya ay mayroon lang. Nakakapagpaload lang ako kapag may kailangang iresearch, iyong tipong pinilit pa ako ni nanay. "Kumusta pala ang mga binibenta mo 'nay?" tanong ko kay nanay. Abala ako sa paghuhugas ng bigas para isaing na, nagpresinta na akong magluto dahil kahit papaano, gusto ko rin namang makapagpahinga si nanay. "Ayos naman, sila pa rin ang mga costumer ko pero susubukan kong makahanap pa ng iba para mas marami ang bumili sa akin. Ang problema ko lang talaga ay tumataas ang mga bilihin at mas tumataas ang presyo ng paninda ko. Umaayaw tuloy ang iba," ani nanay. Habang naghuhugas ako ng bigas ay busy pa rin siya sa pagkukwenta ng mga kinita niya. "Ayos lang po 'yan 'nay, kung minsan talaga hindi maiiwasan na magtaas kaysa naman ikaw ang malugi." Minsan naiinis ako sa ibang costumer ni nanay, iyong mga suki na. Sampu hanggang bente pesos na nga lang ang tubo niya sa bawat paninda pero gusto pang bumanat ng tawad. Kulang na lang libre na lang ibigay e. Sa sobrang bait pa naman ni nanay sa mga costumer niya, pinagbibigyan din. Kaya hindi kami yumayaman. Buong gabing na-okupa ni nanay ang mga iniisip ko. Mabuti na lang dahil pakiramdam ko'y mababaliw na ako sa kaiisip about sa reincarnation thingy na 'to. Right after I open my eyes the next morning, una kong naisip ay ang paraan sa kung paano ko mapapaniwala si Rufert. I need to do something na alam kong alam niya about sa akin. At iyon ang paborito kong kanta for him. Ang hindi ko lang alam ay kung paano ko ipapasok ang kantang 'yon mamaya sa klase? Excited akong bumangon sa higaan at naligo. Kung maaga na akong nagigising at pumapasok sa school sa araw-araw, mas maaga ako ngayon. Madilim pa ang kalangitan nang lumabas ako, hindi pa nga gising si nanay e. Ako na ang nagsangag ng kanin kanina at saka nag-iwan na lang ng note para kapag nagising siya. Malapit na ako sa school nang mapansin ko ang bagong bukas na coffee shop sa tapat ng university na pinapasukan ko. Tinawid ko iyon, tutal ay maaga pa, makatikim manlang ng kape lalo na ngayong binigyan ako ni nanay ng extrang pera. Sabi niya kasi, napapansin niyang hindi na ako nakakapagload sa cellphone ko. Pero imbes na load, kape na lang. Pagkapasok ko sa coffee shop, naamoy ko na kaagad ang mabangong aroma ng kape. Mahilig ako sa kape kaya kahit na mamahaling kape ay pinag-iipunan ko para lang makatikim. Naalala kong mahilig din sa kape si Letisha, ay ako pala. Kaya siguro nadala ko iyon hanggang ngayon. "Caramel Macchiato." Iyon ang lumabas sa bibig ko nang nasa harap na ako ng kumukuha ng order. Biglang namiss ng panlasa ko ang caramel macchiato na kahit kailan ay hindi ko pa naman natitikman as Micaella. Naaalala ko na ang lahat ng tungkol sa kaniya, pati ang mga natikman niya. Binayaran ko na iyon at saka naghanap ng mauupuan, pero nanlaki ang mga mata ko nang makita iyong lalaking nasa rooftop kahapon. Nakaupo siya malapit sa counter habang nakatingin doon sa loob kung saan ginagawa ang kape. "Hey, hinahanap kita kahapon!" bungad ko sa kaniya. Hindi pa niya ako napansin kung hindi pa ako naupo sa harapan niya. "Oh!" gulat na sabi niya. "Saan ka ba nagsususuot kahapon at hindi ka sumulpot sa rooftop?" tanong ko. "Nasa rooftop ka? E naghintay ako sa gate! Halos isang oras yata akong naghintay sa'yo roon," sagot niya. Napailing na lang ako. "So hindi tayo nagkaintindihan. At least kahit papaano nagkita tayo rito." Tumango siya. "Totoo ba iyong sinabi mo sa akin na tumalon ka rin sa cheating well?" pabulong na tanong niya. "Oo nga, mukha ba akong nagbibiro? Ikaw, hindi ka pa nagkukwento sa akin!" sabi ko. Napayuko siya at saka kinuha ang kape niya. Humigop siya roon na sakto namang tinawag ako para kunin ang kape ko. Dali-dali kong kinuha iyon at saka bumalik sa pwesto namin. "Ano nga? Anong nangyari sa'yo? Bakit tumalon ka sa cheating well? At saka, nakita mo rin ba 'yong lalaki?" Ibinaba niya ang baso ng kapeng ininuman niya at saka nag-angat ng tingin sa akin. "Oo nakita ko siya, natanong mo ba ang pangalan? Kasi hindi ko natanong," aniya. Nasapo ko ang noo ko. Bakit naman pareho naming hindi natanong ang pangalan no'n?" "Hindi rin kasi nagmamadali na ako at saka hindi ko na naisip na itanong. Maraming gumugulo sa isip ko no'n e." "Anong kapalit ng pagtalon mo sa cheating well?" tanong niya ulit. "Hindi ko alam, tumalon na ako kaagad. Hindi ko na tinanong kasi desperada na ako." Nagkatitigan kaming dalawa. Pagkatapos ay parehong natawa kasi para kaming mga tanga. Alam ko nang hindi rin niya itinanong kung ano ang kapalit ng sa kaniya. "Sa tingin mo mahirap ang kapalit?" tanong ko. "Hindi ko alam, baka nga demonyo 'yon pero nakipagkasundo tayo," napangisi siya. "Sobrang desperado ko kasing makabalik sa lupa para lang mabalikan ang mga naiwan kong magulang pati na rin ang bestfriend ko pero hindi ko naman inakala na wala na akong aabutan." Kumunot ang noo ko. "What do you mean wala ka nang aabutan?" Bumuntong-hininga siya. "Naalala ko na ang lahat ngayong taon lang. After that, hinanap ko na ang dati kong mga magulang pero kahapon lang nalaman kong patay na sila pareho. Magkasunod na taon silang namatay. Iyong ate ko, nasa ibang bansa at may asawa't anak na raw. Kailangan ko siyang mahanap. And about my bestfriend, she's here." Tumingin siya roon sa may gumagawa ng kape. Napalingon din ako at nakita ang isang magandang babae na may kulay violet na buhok. Parang kasing-edad niya si Rufert kung titingnan. "Nakausap mo na ba siya?" "Hindi pa, natatakot akong baka hindi niya ako paniwalaan. Nagulat siya noong unang pumasok ako sa coffee shop niyang ito last week noong nagbukas, para siyang nakakita ng multo. Pero dahil araw-araw na akong narito, parang nasanay na lang din siya." Yumuko ako at saka inangat ang baso ng kapeng in-order ko. "Nakausap ko na iyong naiwan kong boyfriend, isa siya sa professor sa university." Inamoy ko ang mabangong aroma ng caramel macchiato bago ko tuluyang ininom. Pakiramdam ko'y guminhawa ang pakiramdam ko dahil sa lasa. Parang ilang dekada kong na-miss ang lasa nito. "Anong sabi niya?" he asked curiously. Ibinaba ko ang kape at saka nag-angat ng tingin sa kaniya. "Hindi siya naniwala. He thought I'm crazy. Akala niya isa lang ako sa isang estudyanteng obsessed over her professor. Nakakainis!" He licked his lips and caught another glance to his bestfriend. Doon ko napansin ang nunal niya sa ilalim ng labi sa kanang parte. Ang cute! "Magko-confess na sana ako sa kaniya noong araw na 'yon, pero bago ko pa man magawa, namatay na ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD