KABANATA 7:

1030 Words
KABANATA 7: NATIGILAN AKO SA SINABI NIYANG iyon, bigla tuloy akong tinubuan ng hiya. Ako pa tuloy ang napasama kasi inakala kong magpapatiwakal siya. "S-sorry naman! Malay ko ba na hindi ka pala tatalon. Natakot lang ako kasi ayaw kong makakita ng namatay na tao right in front of me tapos wala manlang akong ginawa," paliwanag ko. Which is totoo naman. Siguro sisisihin ko ang sarili ko kung may mamatay na tao sa harap ko tapos alam kong may magagawa naman ako pero hindi ko ginawa. At saka, mali naman talaga ang magpakamatay nang dahil lang sa may problema ka. "Ayos lang," sagot niya. Pero halata sa mukha niyang hindi talaga ayos iyon. "Kung ayaw mong ikwento sa akin ang problema mo, pwede bang ako na lang ang magkwento ng sa akin?" tanong ko sa kaniya. Tumalikod siya mula roon sa dinungawan niya at saka tuluyang humarap sa akin. "Sige, ikaw ang bahala," aniya. Hindi ko alam kung bored lang ba siya o talagang handa siyang makinig sa akin. Kahit ano pa man ang dahilan kaya agad rin siyang pumayag na makinig sa problema ko, ikukwento ko pa rin sa maniwala man siya o sa hindi. Gusto ko lang talagang may mapaglabasan ng nararamdaman kasi pakiramdam ko sasabog ako kapag hindi ko nagawang masabi manlang kahit na kanino. "Hindi kita pipiliting maniwala sa kwento ko pero sana kahit na makinig ka lang. I just need someone to listen to me. Kasi pakiramdam ko kapag hindi ko ginawa, sisikip lang itong dibdib ko," sabi ko. He just nodded and then I continued. "Believe it or not, reincarnation ako ng isang babaeng nagngangalang Letisha. Noon pa man, I keep on having visions about her, napapanaginipan ko ang mga bagay na ginawa niya at may mga déjà vu rin akong nararanasan. I didn't realize it until last day, hindi na lang visions ang nakikita ko, pati ang feelings niya. Nararamdaman ko na iyong nararamdaman niya, iyong lungkot niya noong namatay siya sa hindi niya inaasahang oras at panahon. Ramdam na ramdam ko, kaya pinili kong magresearch about sa mga ganoong experiences. At nakita ko nga iyong about sa reincarnation. Naalala ko na nakipagkasundo ako sa isang lalaki sa hardin doon sa purgatoryo para ipanganak ako agad ulit. Tumalon ako sa cheating well at ito na nga, kaagad akong ipinanganak. Hindi ko naman inaasahan na magiging ganito kahirap ang sitwasyon–" "Tumalon ka rin sa cheating well?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya. "What do you mean?" "Look, kung totoo man ang mga sinabi mo ngayon, pareho tayo ng sitwasyon. Tumalon din ako sa cheating well at ngayon ko lang naalala ang lahat. Ngayon ko lang naalala ngayong huli na ang lahat!" aniya. Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala, may kapareho ako ng sitwasyon. "Oh gosh! We need to talk after class!" nasabi ko na lang. Sakto namang nag-ring ang school bell. Nagkatinginan kaming dalawa at saka nagmadaling tumakbo pababa ng rooftop. Hindi pwedeng hindi ako makapasok sa susunod na klase ko dahil importante ang lesson namin ngayon. Nagugutom na ako pero mas importante kasi ngayon ang klase. Mabuti na lang at nakaabot ako sa klase saktong oras, saglit lang din ay nakarating na ang professor namin. Pero kahit na ayos naman akong nakarating sa klase, naisip ko pa rin iyong sitwasyon no'ng lalaking nakausap ko kanina. Totoo bang pareho kami ng sitwasyon? Na tumalon din siya sa cheating well para lang ipanganak ulit kaagad? Kung totoo nga, masaya ako na kahit papaano ay kay kasama akong makakarelate sa sitwasyon ko. Ang problema nga lang ngayon ay hind ko natanong ang pangalan niya at hindi rin kami nakapagdesisyon kung saan magkikita dahil nga bigla na lang nag-ring ang bell. For now, I just need to know what I need to do para mapaniwala ko si Rufert. Nasaktan talaga ako kanina, na hindi na nga siya naniwala sa akin tapos napagsabihan pa akong baliw. May dapat ba akong ikasisi sa desisyong ginawa ko? Hindi ko masasabi 'yan ngayon lalo pa at nag-uumpisa pa lang naman ako. Siguro ganito lang talaga sa umpisa, mahirap. Ilang subjects pa ang dumaan hanggang sa wakas ay natapos na rin ang klase. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kasi hindi naman kami nakapag-usap kung saan kami magkikita. Kaya naisip kong baka pumunta siya sa rooftop. Habang naglalakad patungo roon, natigil ako sa paglalakad nang makita si Rufert na papalapit sa akin. Hindi naman sa assuming ako, pero inisip kong sana papalapit talaga siya sa akin. Na sana ay bigla na lang niya akong yakapin at sabihing namiss niya ako. Pero habang papalapit siya sa kinatatayuan ko, napapansin kong hindi siya nakatingin sa akin. He was holding his lesson plan while walking towards me, pero nilagpasan niya ako na para bang hindi niya ako nakita. Napapikit ako nang mariin at tiniis ang sakit na dumaloy sa aking dibdib. It is painful pero kailangan kong tanggapin na hindi niya kaagad matatanggap ang sitwasyon ko. Imbes na magdrama, kaagad na tinungo ko na lamang ang daan patungo sa rooftop. Nagmamadali pa akong makarating doon kasi gusto ko na siyang makausap. Gusto ko nang malaman ang sitwasyon niya at saka baka pwedeng magtulungan kami para magawa ang mga unfinished missions namin. Nang makarating ako sa rooftop, nadismaya ako nang madatnang malinis iyon at walang tao. Ilang minuto pa akong nanatili roon, inabot nga yata ako ng trenta minutos pero hindi siya dumating. Hindi naman yata totoo ang sinabi niya kanina! Kasi kung totoo 'yon, bakit hindi siya nakipagkita sa akin ngayon? Napailing na lamang ako at dismayadong umalis sa rooftop. Baka hindi niya lang alam na nandito ako kasi wala naman kaming napag-usapang lugar. Hanggang sa nakaalis na lang ako sa school, hindi ko talaga siya nakita. Kaya imbes na mainip dahil gusto ko nang makahanap ng taong may kaparehong sitwasyon ng sa akin, dumiretso ulit ako sa computer shop para magbukas ng social media ko kung mayroon na bang nag-accept ng request ko sa isang group. I need to know if what happened to me is normal o sadyang ako lang at iyong lalaking nakausap ko kanina ang may ganitong sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD